Dahil ako’y ulap lamang

Di ko napapaningning ang kaniyang nakaudyok na umaga

Gaya nang pagpapaningning nito

Ng kaniyang araw

Dahil ako’y ulap lamang

Di ko napapakislap ang kaniyang mapanglaw na gabi

Gaya nang pagpapakislap nito

Ng kaniyang mga bituin

Dahil ako’y ulap lamang

Di ko naibibigay ang nais niyang bughaw na parang

Gaya nang naibibigay

Ng kaniyang langit

Dahil ako’y ulap lamang

Kaya’t ang likidong walang kulay ay nabibitawan na lang

Kapag hindi na kayang pasanin ang kabigatan nang mga sakit

Ngunit…

Ako ang ulap..

..na naglilimlim sa mga taong ayaw masikitan ng matingkad na araw

..na nagtatakip sa kutitap ng mga bituing ayaw makita ng mga tao

..na nagdaragdag ng buhay sa lantutay na kaparangan sa itaas

Hindi dahil ako’y ulap lamang

May karapatan ka nang pawiin ako sa mundo

Nang pulang bilog sa itaas ng Mongol

Hindi ako si araw, si bituin o maging si langit

Mabagal silang gumalaw

Ako si Ulap na nakagagalaw

Minsan nang dumamay sa’yo

Noong iniwan ka nang tatlo

Noon iyon

Iba na ngayon

Pagkat ayoko na!

Dahil pagod na kong maging ulap mo

Advertisements