Mataas noon ang sikat ng araw, isang mataba at matanda nang lalaki ang may hawak ng isang banyagang pahayagang labas lamang sa araw na iyon. Mariing nakasandal ang matanda sa kanyang tungga-tungga habang nakataas ang mga paa sa purong marmol na salong-puwit. Bahagya kung inumin niya ang isang tasa ng purong kape na nakapatong sa lamesang ka-set ng marmol na upuan. Ngunit, bagamat tila iniisa-isa ng matandang iyon ang bawat salita sa pahayagan, kapansin-pansin ang mataimtim niyang pagmamasid kay Jopart, ang tanging anak niya na noon ay nagpapawis sa pamamagitan ng pagbubuslo ng bola sa basket.

Sa likod ng isip ng matanda: “Ang aking anak. Marahil, hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako napapatawad. Kung sana sa sandaling iyon ay iniliko ko ang sasakyan sa parteng ako ang sakay, ako sana ang nawala at hindi ang mama niya. Siguro masaya siya ngayon kung ako ang nawala dahil mararamdaman niya ang kalinga ng isang ina. Kung maibabalik ko lang sana ang mga oras na iyon, gagawin ko. Ngunit, wala na eh. Ako na ang naiwan sa kanya—isang amang pinipilit punuan ang bawat kulang sa buhay niya. Hay… Kahit hindi kami gaanong nag-uusap, sana alam niya na lahat ginagawa ko ay para sa kanya—na wala akong ibang hinangad na hindi para sa kabutiha’t kinabukasan niya. Lahat ng sinusulat niya sa wish list niya, sinusunod kong lahat, pero bakit hindi ko man lamang siya nakikitang masaya? At iyong wish list na iyon, palaging sa iklawang numero nagsisimula. Siguro kasi imposible kong maibigay ang unang kahilingan niya. Siguro kasi, buhay ng mama niya ang pangunahing hiling niya. Hay…

Pero alam ninyo, masayang-masaya ako tuwing katapusan ng buwan hindi dahil sa susuweldo ako kundi dahil makakauwi ako ng Cavite at makakasama ko siya kahit isang araw lang. Gustong-gusto ko siyang yakapin sa tuwing makikita ko siya. Ngunit, hindi ko magawa dahil alam kong hindi iyon kasama sa wish list niya. Gusto ko sanang itanong kung gusto na ba niya akong mawala sa buhay niya, ngunit hindi ko siya makausap dahil natatakot akong itaboy niya ako palayao sa kanya. Oo, hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Paano ko ba sasabihin iyon gayong alam kong hindi naman niya paniniwalaan? Bakit? Dahil sa tuwing magkakaroon ng family gathering sa kaniyang pamantasan, hindi ko ako pumupunta  hindi dahil may trabaho ako, kung hindi dahil kapag pumunta ako, bumalik ang pag-ibig ko sa kaniyang guro na ayaw na ayaw kong mangyari dahil pinapahalagahan ko ng sobra-sobra ang pinagsamahan namin ng kaniyang ina kahit sa maikling panahon lamang. Pero ngayong basketbol superstar na siya, siguro, hindi na nga niya kailangan ang isang amang tulad ko lang. Star na siya…doktor lang ako.”

Habang nagpapawis naman si Jopart, pasulyap-sulyap din siya sa kaniyang ama: “Papa…kung alam nya lang kung gaano ko inaabangan ang katapusan ng bawat buwan. Sa dalawampu’t siyam na araw na wala siya rito sa bahay, palaging ang ‘stolen’ picture niya lang ang aking pinagmamasdan. Dadalawa na nga lang kami rito sa mundo, tapos ganito pa kami lagi kalayo? Gusto-gutso kong ipagsigawan sa mundo kung gaano ako kaswerte na siya ang ama ko. Iniidolo ko siya dahil alam ko na tinitiis niya ang distansya naming dalawa para magpagaling ng libo-libong katao sa isang bansang wari’y kinalimutan na ng mundo. At noong mga panahong siya ang naging tsuper ng mama ko, alam kong sinakripisyo niya ang buhay ng taong sobra-sobra niyang pinapahalagahn para mailigtas ang isang daang buhay ng sakay ng bus na iyon. Kaya nga, gustong-gusto ko siyang yakapin, ngunit hindi ko magawa dahil baka hindi pa sapat lahat ng nakuha kong parangal para yakapin ako ng doktor ng masa. Marami akong hiling tuwing kaarawan ko at tuwing papasko. Lahat ng iyon binibili ni Papa kahit gaano pa kamahal. Pero sana napansin niya ng wala akong unang kahilingan sa bawat wish list ko? Bakit? Kasi alam ko, kahit kailan, hinding hindi ako sasabihan ng papa ko na sobrang taas ng istandard ng mg katagang, “mahal niya ako”. Dahil, ito lang ako, at iyon siya—malayung-malayo. Kaya nga hindi pa siya pumupunta sa kahit anong family day sa iskul eh. Pero, sana malaman niya na gingawa ko ang lahat para maipagmalaki niya ako bilang anak niya. Kahit nga para akong laging binubugbog sa hirap ng training sa sports na ‘to, hindi pa rin ako sumusuko dahil, dito ko lang maipapakita na mahal ko siya. Ipagpapatuloy ko lang ang nasirang pangarap ni Papa. Bahala na kung ano man ang maging tingin niya sa akin. Doktor kasi siya, basketbol star lang ako.”

Advertisements