Lasing — ang mga taong wala sa kanilang natural na pag-iisip dahil naghahari sa kanila ang presensiya ng likidong tila ba gusto silang ihatid sa mental.

Sa kasiyahan, alam kong normal lamang ang uminom since that is only a way of those people to celebrate for something of value. Pero, hindi lang talaga matarok ng aking inosenteng kaisipan kung bakit sa tuwing may problema ang isang tao ay kailangan pang tumagay ng tequila, paikutin ang the bar, magtake ng isang shot ng redhorse, at isa pang shot ng margarita at nang isa pang shot ng sanmig. Hindi ko rin talaga matanggap ang rason ‘nila’ na ang alak daw ay helper para kahit sandali lamang ay makalimot sila sa kanilang pagpasan sa mundo. Duh! Sandal lamang iyon. Nasolusyunan ba ang problema??? Hindi naman ah! Nakadadag pa nga ng problemang pinansiyal lalo na kung pinangautang ang alak sa tindahan ni aling nena (magkano ba isang alak ngayon). PERO ANG LAHAT NG MGA ITO AY NAINTINDIHAN KO RIN ISANG ARAW. Sapagkat ako ay minsan na ring ikinubli ng alak palayo sa aking mga problema. Hindi naman ako nalasing. Lasing na lasing lang naman!

Hindi ko na maalala ang exact date (at ayaw ko na ring tandaan) kung kailan nga ba naging bestfriend ko si Redhorse. Hindi ko na rin matandaan kung nakawalo o siyam ba akong bote noon. Hindi ko na rin matarok sa aking kaisipan kung paano ko tinahak ang daan pauwi noon at kung paano ako nakauwi ng buo sa gigiwang giwang ko ng lakad at bumibigay0bigay na katawan. Basta, ang alam ko lang, mag-isa lamang akong nagpupumilit laklakin ang mga RedHorse na iyon at ginawa ko iyon dahil ambigat bigat na ng nararamdaman ko’t hindi na effective ang pagsigaw lamang sa langit, pasigaw na pagkanta sa videoke, pagpapawis sa basketball/tennis kahit gabing gabi na, pagtugtog sa gitara gamit ang puso at pagsasabi kay vhez, kay bru, o kay petix boy na, “hey, I have a problem. Help me naman!”.

At ito ang mga problemang hindi na carry ng powers ko kaya tumagaya ako ng alak para minsan kong makalimutan ang mga ito:

Father dear

Ang mga sumusunod na kataga ay ninais kong sabihin sa aking ama. Ngunit, wala pa akong karapatang magsalita sapagkat ito lamang ako at iyon siya —- malayung malayo.

Tay…kung alam nya lang kung gaano ko ginagawa ang lahat para isang araw maipagmalaki niyo rin ako. Gusto-gutso kong ipagsigawan sa mundo kung gaano ako kaswerte na siya ang ama ko. Kaya nga, gustong-gusto ko siyang yakapin, ngunit hindi ko magawa dahil baka hindi pa sapat lahat ng nakuha kong parangal para yakapin ako ng amang iniidolo ng lahat. Marami akong hiling tuwing kaarawan ko at tuwing paPasko. Lahat ng iyon binibili ni Papa kahit gaano pa kamahal. Pero sana napansin niya ng wala akong unang kahilingan sa bawat wish list ko? Bakit? Kasi alam ko, kahit kailan, hinding hindi ako sasabihan ng papa ko na sobrang taas ng istandard ng mg katagang, “mahal niya ako”. Dahil, ito lang ako, at iyon siya—malayung-malayo. Kaya nga hindi pa siya pumupunta sa kahit anong graduation ko eh. Pero, sana malaman niya na gingawa ko ang lahat para maipagmalaki niya ako bilang anak niya. Kahit nga para akong laging binubugbog sa hirap ng training sa sports ko dati, tinitiis ko. Kahit araw-araw akong naglalamay sa mga projects at school requirements ko, ginagawa ko pa rin ng walang reklamo. At kahit sobra na niya akong dinadown, hindi pa rin ako sumusuko. At kahit hindi ko gusto ang course ko nagyon, nakangiti ko parin itong tinanggap, dahil, dito ko lang maipapakita na mahal ko siya at ditto rin ako umaasa na baling araw ipagmamalaki niya ako. Ipagpapatuloy ko lang ang nasirang pangarap niya. Bahala na kung ano man ang maging tingin niya sa akin.

At gusto kong sabihin sa’yo na alam mo bang ang hirap hirap maging anak mo? But if Lord God would give me a chance to ask for an ideal father, I would still chose you without any second thought. Dahil, ikaw lang ang nag-iisa kong ama at wala ng iba pa. Mahal na mahal kita tay. Kung alam niyo lang.


Papa Igz

Siya ang nagpalabdub ng puso ko. Ang tamis sa mga ngiti ko, ang kinang sa mga mata ko at ang sigaw ng puso ko.

He taught me how to love him. So I do fall for him. Pero, hindi pala lahat ng ipinakita niya ay palagi niyang ipapakita. Never siyang nalelate before pero isang araw —- nag-intay lang naman ako ng 5 oras sa kaniya —- may usapan kaming sisimba. Kahit nagyeyelo na ako sa lamig noon, naghintay pa rin ako dahil umaasa akong dadating siya kahit late (well, hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ako sa Filipino time mentality ko). Ngunit, ilang oras na’y wala pa siya. Hindi ko alam kung nagpapatanga lang ako ngunit sa halip na mainis at magalait sa kaniya, ako ay nag-alala nab aka kung anon g nangyari sa kaniya kaya wala pa rin siya. Nang magtext siya na hindi siya makakarating (syempre, 5 oras na akong nag-iintay non) dahil sa napakaINVALID na reason (wala daw siyang pera), nagpasalamat ako sa Diyos sapagkat alam kong ligtas siya. Infact, sinabi ko pa nga sa kaniyang “ayos lang yon. Hindi na rin naman ako nagsimba.” Pero deep inside, habang tintatype ko ang mga katagang iyon, my heart cries so loud that I cannot do anything but listen to it.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, hindi siya nagparamdam dahil busy daw siya. Pero, doon ko lang talaga naramdamang balewala ako sa kaniya at doon ko naramdamang yong “he let me fall for him, tapos iiwan niya ako?!” Gaano kasakit na sa oras na tintalikdan na ako ng mundo (Bata vs Pia prob, prob kay Pa), yong taong inaakala kong makakapitan ko at minamahal ako ay siya pang pangunahing dahilan ng mga sakit na nararamdaman ko?

Marami pa akong pinroblema ng mga sandaling iyon ngunit ang tatlong nabanggit ang pinaka sa mga pinaka kong problema. Na tipong araw-araw na lamang, wla akong ibang naging hangad kundi maayos ang lahat ng ito. (WELL, papa igz apologized already at sobrang nararamdaman kong itinatama niya nagyon ang lahat sincerely.tnx igz!)…dalawang problema na lang sa ngayon.

Kaya ayon———-nagtuos kami ni Redhorse.

Kung gaano ako katagal nag-inom, ganon din kadami ang nailuha ko. Tigang na tigang na nga ang mga mata ko noon.

Well, salamat sa mga problemang ito na nagudyok sa akin para minsan sa buhay ko, tikman ko rin ang alcohol…and that would be the last na magsusuka ako sa gitna ng kalye sa ganap na ikaapat ng umaga nang dahil sa RedHorse

Advertisements