“…and if you ask me what you are to me,

EVEN IF IT DOESN’T MATTER NOW,

I must say it somehow…

You are mine, in every tear I catch from falling.

You are mine, I know that in this heart you are inside.”

 

Angdali magpayo, angdali magsabi sa iba na ‘kaya mo yan’. Pero, totoo pala na kapag tayo na yong nasa situation na ‘yon, lahat-lahat ng libu-libo mong payo sa mga kaibigan mo, napakahirap gawin. Lalung lalo na if your heart is filled with so much pains and heartaches that only love can heal…

Sa ngayon, hindi ko alam kung paano koi-rerelease ang lahat-lahat ng sakit na nararamdaman ko. Alam niyo ba iyong feeling na sasabog ka na pero pinipilit mong magpakatatag para sa lahat ng taong natitra para sa’yo — kasi ayaw mong mag-alala sila, kasi ayaw mong sabihan kang bitter, kasi ayaw mong pag-usapan yong nangyari sa’yo, dahil pag nagkakaganon, lalo ka lang nasasaktan.

Kaya nga maaga akong natutulog gabi-gabi. Hindi dahil pagod ako sa OJT ko o dahil pagod ako sa mga pinaggagawa ko nang buong arwa. Maaga akong natutulog kasi natatakot ako na kapag inatake ako ng insomnia ko at tuluyan ng hindi makatulog, siya lang ‘yong maaalala ko, ang maiisip ko. And everytime it happens, I always find myself crying. At ayoko nang umiyak gabi-gabi.

Gago ka! Sana hindi ako naniwala sayo para hindi ako nasasaktan ng ganito. Dahil kahit anong gawin kong libang sa buong maghapon, may makita lang akong isang bagay na magpapaalala sa’yo, sira na naman ang araw ko.

“…Oh I know, I AM JUST A MEMORY,

AN END TO ONE OF YOUR STORIES.      T_T

But to me, YOU WERE THE ONE I LOVE,

I WOULD LOVE UNTIL THE END…”

 

(the writer is crying.TBC soon)

Advertisements