Hindi ko na kaya. Ilang ulit pa rin ang kantang to na nagpeplay sa utak ko. At ang kumakanta —-ang aming Inay Mayapot (kahit pa rockstar version na ang naririnig ko, boses pa rin ni inay ang naririnig ko.)

Oo na. aamin na—- IKA’y mahal pa rin.

Kailangan ba na magwakas itong pag-ibig
Bukas kaya’y wala ka na sa ‘king isip
Hindi mo ba naaalala ang mga kahapon
Na dati ay anong saya’t anong tamis?

Refrain
Sadyang pag-ibig natin ay nakakapanghinayang
Ngunit sa ating mga mata ito’y kalabisan lamang
Patuloy na masasaktan ang mga puso
O bakit kay sakit pa rin ng paglayo?

Chorus
Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso’t damdamin
Muli’t muli sa ‘yo na aaminin ika’y mahal pa rin
At kung sakali na muling magkita
At madama na mayron pang pag-asa
Hindi na dapat natin pang dayain
Hayaan nating puso ang magpasya.

Wala na bang puwang sa ‘yo ang aking puso
Wala na bang sarap ang dating pagsuyo
Mali ba ang naging tapat sa mga pangako
Sa atin ang lahat kaya’y isang laro?

Kasabay ng ingay ng ipinagbabawal na goodbye Philippines, piccolo, pla-pla, ng paborito kong lusis, at ng iba pang firecrackers, ay ang pagtahimik ng aking pusong minsan ng sumigaw dahil sa sakit.

Paalam sa’yo. ENOUGH. Hindi pwedeng masaya ka tapos ako nagmumukmok.

Bagong taon, bagong buhay, bagong ako.

Ilang minuto na lang kitang iisipin. Ilang minuto na lang…

Tapos, hi 2011 na!

Dear 2011,

Pasayahin mo ko, please? Thanks.

-anapot.

Advertisements