Nag-log-in ako sa FB. May nakita akong wall post nang kaibigan ko: “Pano ba nasusukat ang effort?” Nag-isip ako. At nagcomment: “via heart.”

Tama naman hindi ba?

Yon ang akala ko.

Pero, nung makasama ko na siya at ipadpad kami ng aming mga paa sa McDonalds Uptown at nang mapag-usapan ang kung anu-anong mga bagay, muli siyang nag-post: “@Anapot Amante, pano nga ba nasusukat ang effort.”

Hindi na ako nag-isip at daliang nagcomment, “Hindi pala via heart. Dapat, nakapikit para hindi ka nag-eexpect at nasasaktan.” Ngumiti ang nag-wallpost noon. At gayun din ako.

Tamaa na ako this time.

Ikaw, pano mo ba sinusukat ang effort?

😀

Advertisements