Published in Utak Berde Taon 9, Blg. 1, kung saan ako ang Executive Editor. This is my favorite poem. I wrote it right after I had experienced the pain of my first tooth extraction. Double meaning ata to. LOL 😀
(photo by Fotolia.com)

Ngipin

  

 Nasasaktan na kita —-

ng paulit-ulit.

Paikot-ikot ka sa kama,

pabali-baligtad, at hindi mapakali.

Ilang araw na rin kitang hindi pinatutulog.

Minsan pa nga, luha mo ay nag-uunahan ng tumulo,

siguro ay dahil sa sobra na

ang idinudulot kong sakit!

Ngunit, hinahayaan mo akong manatili sa ‘yo

at patuloy mo lamang iniinda

ang mga sakit na idinudulot ko.

 

Pati pagkain mo ay naapektuhan ko na.

Maging ang kanin sa pinggan mo

ay hindi mo na magalaw nang dahil sa akin.

Maging ang chocnut na bigay ng crush mo

ay hindi mo na makain

sa takot mong ikaw ay muling masaktan

kapag ang mumo nang chocnut ay nakarating sa akin.

Pati pagsasalita mo ay kinokontrol mo,

upang maiwasan ang kirot na dulot ko.

Sapagkat tunay namang gugulong ka muli sa sakit,

kapag ako ay inatake na naman ng sensitivity.

 

Kung bakit ba kasi,

ayaw mo pa kong pakawalan,

upang ikaw ay hindi ko na nasasaktan,

at nang hindi ka na nahihirapan nang ganiyan. 😥

 

Dahil nasanay na akong nariyan ka,

Ayoko sanang iwanan ka

Ngunit, kahit masakit,

kailangan ko itong gawin

dahil mas masakit sa aking

maging dahilan kung bakit ka umiiyak

at nasasaktan.

 

Ipabunot mo na ako bukas.

‘Yong pagbubunot na high-tech,

upang hindi mo maramdamang

ako ay dahan dahan nang iwinawalay sa’yo.

At upang hindi ka na umiyak

sa huling sakit na idudulot ko sana

dahil lamang sa walang pampamanhid.

 

Bukas, ay isa nang pamamaalam —-

Paalam amo ko,

Salamat sa dalawampung taon na ikaw ay nakasama ko.

Mag-iiwan man ako ng puwang sa bibig mo ngayon,

Mawawala rin yan

sapagkat mag-iipuran ang mga kasama ko

balang araw…

Advertisements