Namangha ako sa ganda ng simbahan sa municipal ng Ibaan, Batangas. Kahit remote talaga ang nasabing lugar ay kapansin-pansin pa rin ang ganda at naiibang arkitekto ng simbahan nito.

Dahil unang beses ko sa simbahang ito, ginawa ko ang pinaniniwalaang tradisyon na matutupad daw ang iyong kahilingan kung magsisindi ka ng kandila. Kaagad kong nasilayan ang tirikan ng kandila sapagkat nasa gawing bukana lamang ito.

Makukulay ang mga kandila na nakatirik dito. Nang mapalingon ako sa gawing likuran ng aking pinasukan, napag-alaman ko na ang bawat kulay pala ay may sinisimbolong mithiin ng bawat nagtirik nito.

Mapapansing puno ang rack ng yellow candle (thanksgiving)

Wala nang kandila para sa pag-ibig..red (love/friendship)

Wala nang kandila para sa pag-ibig..red (love/friendship)

Closer look sa candle rack..

Nalungkot ako————

Ibig sabihin kasi nito, mas marami pa ang humihiling na umayos sana ang kanilang buahy pag-ibig ngunit hindi ba pumasok sa kanilang mga dasal na buhay pag-ibig dapat sa Diyos ang unahin at para gawin yon, dapat tayong magpasalamat sa lahat-lahat ng bagay na mayroon tayo kasi lahat nang nangyayari sa buhay natin is according to His will…

PS: Infairness, marami ngang love life ang problema. *rotfl* Dont worry kapatid, ‘wag hanapin ang pagibig, ito’y darating sayo.’

Advertisements