So many hands in 1 pack of chips

So many people on 1 bench

so much laughter on 1 stupid joke

so many plans for just 1 date

so many tears for 1 little fight

and..

so many mouth for a single bottled water.

That’s what we call — friendship.

Sinulat ko ang blog na ‘to kasi gusto kong ipakilala ang mga taong kilala yong totoong ako. Sabi nila, we have three personalities daw:

Tahimik ka if you’re with strangers,

Average – moderate ingay and jokes with the people whom you considered acquaintance
Then,
Wild and true ka if you’re with your friends.

And I want you to meet the 9 persons whom, I would say, totoo ako pag kasama sila.  :0

Unahin natin si Nadine Ruth Awitan, Canlubang Laguna.

Nadine Ruth “Bru” Awitan

Panganay sa tatlong magkakapatid.

I first met her sa classroom na Statistics (we both hate this subject but our professor in stat loves nadine. lol). Magkaklase kami sa dalawa o tatlo atang subjects noong irregular student pa ko. Would you believe na nth time niyang paulit-ulit tinatanong name ko eh duh A-N-A lang naman. Para-tatatlong letra eh di pa masaulo eh. haha. Tapos dahil pareho nga kaming shiftee (from Accountancy to Marketing) eh kami ang ‘medyo’ magkasama. Medyo lang kasi dahil nga irregular kami pareho, we varied other subjects din as well as we have different vacant period.
From then on, napagdesisyunan namin na kami ang magiging magkagroup sa lahat soon. We agreed though di pa kami masiyado magkakilala kasi siya lang nakakasama ko.

Fast forward…

Noong alam ko na halos lahat sa buhay niya at ganoon din siya sa’kin eh, we call each other ‘Bru’. short for lahat ng Bru—-BRUha, BRUtal.at kung anu-ano pa. Pero the real meaning niyan eh parang ‘bro’. ayaw naman namin na sis ang tawagan at masyadong girly. haha. Kaya ayon, Bru na lang.

Siya? Ai nakuuuuuu. Lahat tumatabi pag dumadaan siya. haha. Takot ata lahat. Hindi sa kaniya pupwede na kinakaya kaya siya kaya walang nagtatangkang awayin o asarin yan eh (kaya lagi akong nakadikit diyan eh. feeling ko kasi safe ako. haha)
Kaming sampu, kahit anong form ng problema (pero special mention ang love life haha) eh sa kaniya lumalapit. Why? Kasi she can give you advice na tagos kung tagos. Yong advices na mapapaisip ka talaga at mga payo na dapat mong gawin kasi yon ang tama at dapat.
Lagi kami magkagroup basta by friends ang grouping. hehe. Siyempre, we agreed with that nga before.Through thick or thin, in sickness and in health, from richer to poorer. haha.. kulang na nga lang pagdikitin kami ih. hihi
Meron din kaming McDo moments — kakain lang kami ng kahit ano, (pero laging may fries) then magkekwentuhan about anything under the sun. Hanggang abutin na kami ng ilang oras doon nang hindi namin namamalayan.
Ano pa ba?
Ayon! Iba ang creative side niyang si Bru. Sa mga papers namin, I go for the theoretical side tapos siya sa lahat ng mga collaterals look. I-eedit ko via Adobe then i-checheck ulit niya kung ok na ba or what.
Wanna know her more? You dare? Sige, batukan ka niyan. haha. Kahit nga yong pinaka mukhang bouncer room eh hindi makapagtanong diyan at natatakot. hehe. Enough with Bru. haha

Part of the wild si Marisole Trinidad, Sulpoc, Tanauan – Province of Batangas.

Marisole “Anesli” Trinidad

Panganay rin sa apat na magkakapatid.

Akalain niyong classmate namin siya ni Bru during our irregular days. Kaso, since she’s part of the regular students, hanggang ‘by-name’ ko lang siya kilala —-hep! saka pala, maingay at madaldal. haha. grabe.
At first, kahit si Bru, naririndi sa kaniya. As in, I and Bru can’t imagine na magiging kaberks namin siya.
Hmmmm,
hanggang naging classmate ko siya noong one required summer class and I found out na mabait naman pala siya at minsan tumatahimik rin, hihi. Tapos, humiwalay siya sa section niya kung saan na siya regular. Gusto niya ata ng bagong environment. Kaya, after noong summer class, nagbukas kami ng bagong section, and doon siya nag-enroll. Tapos, ayon, kaming the wilds eh dun lahat nagkakila-kilala.
I actually call Sole (short for Marisole), ‘Honestly’ with the spelling of ‘Anesli’. bakit? kasi may isa kaming kilala na madalas gamitin yong Honestly at Frankly na word. So from then on, I called her Anesli and she called me back as Frankly. haha. cool di ba?
Si Sole? Bagay sa kaniya tumakbong officer ng student council! bakit? eh kasi naman sa tuwing naglalakad kami sa campus, bawat lakad namin, may binabati/bumabati sa kaniya. Yong paglalakad namin na dapat 5-minutes lang eh nagiging 10 minutes kababati niya. haha.
Enough with the ‘bati’ thing. Hmmmm, kahit ganiyan si Sole, matutuwa ka diyan! Lahat nang favor mo sa kaniya, basta kaya niya, ginagawa niya. Kahit nga may ginagawa siya, basta may nagpasama sa kaniya na bumili ng ganito, mag-CR, pumunta dito, may kukunin doon, eh sama agad yan.
Tapos, ayaw na ayaw niyang na-aagrabyado ang kaibigan niya. Pag sinabi niyang ayaw niya sa tao, ayaw niya. Tapos ang usapan. Siya yong tipo ng taong pag may kaaway ka at nasa side mo siya, manahimik ka na lang at siya na ang bahalang mang-away. hehe.

Ngayon, she works in a bank na mukhang pang stewardess ang uniform. lol.

Si Arianne Paulino naman. hehe. From San Pablo, Laguna

Arianne “Maan” / “Poise” Paulino

May kapatid siyang foreign-ger. May kuya rin yan. Uhm, actually, kahit ganiyan name niyan, Maan talaga nick name niya. Kaso, ako, ‘Poise’ tawag sa kaniya. At ako lang ang tumatawag sa kaniya ng ganiyan. haha. Poise tawag ko kasi poise siya maglakad. hehe.
I met her then sa summer class na required na yon. Galing siyang Computer Science tapos she shifted nga sa Marketing. (anlapit di ba? haha).
Tahimik lang ‘yang si Poise. Tapos, laging go with the flow lang. Pero, huwag ka, talented yan! lahat ng organization, sinalihan na ata niya. haha. member siya ng dance group ng school, ng discipline marshall, ka-YFC ko rin siya, may AIESEC Philippines pa ‘yan, tapos pati Jr Mrktg Assoc siyempre (may nakalimutan pa ba ko? haha). Bilib nga kami kung pano niya nababalance time niyan eh. hehe. May lovelife pa yan na inaatupag. haha. oha, talking about time management, siyang siya na! 😀
Magaling rin siya sa technicalities. hehe. Kapag may video editing at kagroup mo siya, solve ka na’t wala nang problems.
Kaso, Californian Girl na siya ngayon. She was petitioned na kasi doon. Namimiss na namin siya dito. lalo na ni Toshi. Yiii.
Uwi ka na 🙂

Next, si May Flor Austria, Dita, Cuenca – Province of Batangas

May Flor “Maya” / “Inay” / “Ninay” Austria

Ilan nga ba kayong magkakapatid? Tatlo ba? Pero sure akong, hindi siya panganay. hehe.

Her nickname is actually Maya pero we call ‘Inay’ kasi 30 yrs old este, siya yong pinakamtanda sa amin. hehe. Pero ako, I call her Ninay. Why? Kasi Ninang + Inay = Ninay. Kinuha ko kasi siyang ninang sa kumpil ko. xD haha. wala lang trip ko. pero, we are all in the early 20’s pa naman.
Soccer varisty yan. OO, maniwala ka na! Alam niyo ba, noong sinabi niyang soccer varsity siya, hindi talaga ako maniwala. Payat at maamo (?) mukha niya at mukhang hindi nga sporty tapos varsity? hanggang, nakita ko na nga siya mag-soccer. In fairness, parang ibang Maya yong naglalaro sa loob. haha. We (I and my wild friends) watched one of her official friendly match at draw ata yong result.
She was also one of the players during intrams in my sport, baskteball. Magaling yang mang-agaw ng bola. hehe.
Hmmm, actuallty, she was a transferee from PATTS. Naging classmate ko rin siya noong summer na required then naging classmate na hanggang 4th yr.
Medyo naging close kami noong summer dahil friend na siya ni Bru noon tapos ako friend din ni Bru. We share the common friend ika nga.
Inay is perfectionist and she admits it. She wants everything in an organzied manner. Siya yong tipo nang taong hindi mapakali pag may mali/may hindi siya gusto sa ginawa niya/nilang paper. Well, magaling naman siya eh. Ok lang na ganoon personality niya. 🙂
She also gives her point/side sa lahat ng oras. Kahit hindi ma-follow yon, hindi naman siya nagagalit. Basta, nabigay niya opinion niya, ok na sa kaniya yon.
Tapos, pabalik-balik lang yan ng Hong Kong. Parang Php. 8.50 lang pamasahe eh kung makapunta ng HK. ikaw na inay! haha

Yan eh probinsiyanang Makati girl. She works there at a French company. Yes, she speak French well. Kaya nga dati noong Foreign Language subject namin, sa kaniya kami nagpapaturo ng pagbasa (grabe naman kasi ang pronunciation pg French. daming silent at kakaibang sounds) at pagsulat na rin (kalayo kasi ng spelling ng French words vs the way it should be read). Buti na lang nasa likod ko siya sa seating arrangement noon kaya pag-nag-rerecitation si sir Train (French professor) eh natatanong ko siya ng tamang sagot 🙂

The wild din si Jinnie Medina, Lipa City — Province of Batangas

Jinnie “Jinniebels” / “Mayor” Medina

Panganay rin to. haha. Halos lahat pala kayo eh oldest. Nakakahiya naman sa ming hindi. haha

Jinniebels siya kung tawagin. Pero, dahil naging Mayor (class president) namin siya, Mayor naitawag ko sa kaniya. haha. (napansin ko lang, kung anu-ano palang itinatawag ko sa the wild) haha.

I met her not in the summer class na but sa regular classes mismo. Sa section din namin siya nag-enroll kasi shiftee siya from engineering.

Si Jinniebeles? Nakuuuuuu. NAPAKAbait. ah ah. go lang siya sa lahat. Parang kahit mayor namin siya, ngiti lang siya ng ngiti. Parang walang kaproblema problema. She takes it easy halos lahat ng bagay. Which is good kasi madadala ka sa positive and good vibes niyang aura.

Sporty din to. I can still remember noong intrams kung saan player kami for our course. We played baskteball. Ayaw pa nga niyan pumasok sa first five kasi hindi daw talaga siya marunong. Then, poof! First shot of the game, first two points via jump shot from her! haha. hindi ko talaga malimutan ‘to. Pati yong anggle ng tira niya, kitang kita mong magsu-shoot talaga.
Si Jinniebels din eh kagroup ko sa service plan. Since we are groupmates, kasama ko rin siya sa OJT (yong gagawan kasi ng service plan eh yong company na pag-o-OJT-han). Kaya tuwing galing akong manila, namimis ko naman siya. Siya kasi kasabay ko umuwi every Friday.
kaso, like poise, nasa US of A na yang si jinniebels. Uwi ka na rin. hehe.

Lea Anne “Leahang Bangag” Saniel

Wala na, tapos na ‘to. haha. Joke. Meroon pa pala. Sige na nga. haha. Ang dahilang kung bakit naging classmates kami lahat — si Lea Anne Saniel na nag-ayos ng summer class namin at eventually ng new section ng Marketing. From Bauan — Province of Batangas

Actually, pareho kami niyan ng birth order—middle child. (kuya,kuya,kami,lalaki,babae). galeeeeeng no?

I actually call her Leahang Bangag. haha. Eh lagi kasing lipad ang isip at hindi mawari kung nasaan. Yon pala eh inlove lang. Kanino? Sa kapatid ko. hihi.

Si Leahan? Ayan frustrated na sa work niya sa *** kasi Rest Day siya pag ordinary week day/working day at nagwowork siya kapag Holiday or Sunday. Tss. Malas lang. Hindi naman yan makaalis kasi magbabayad ng thousandssss kapag hindi naka-1 year exp sa present job niya. Pero, konting tiis na lang naman niya’t makaka-1 yr na siya.

May creative side yan kahit ganiyan. Choir siya before at kumakanta rin. Kaso, ayaw ilalabas ang talent kaya kakaunti lang may alam niyan (ilagay ko kaya dito ang version mo ng Terrified with video pa? haha).

Hmmm, thoughtful yan. Lagi ng may kung anu-anong pakakulo. At dahil na rin siguro sa Kuya ko (na bf niya), natututo siyang mas umintindi at mas umunawa sa lahat ng pagkakataon. bwahaha (compliment ba to?)

Sa lahat ng the wildssss, kami siguro ang may pinakamaraming bonding memories. haha. bodning with friends (Cafe de Lipa moments) at family bonding siyempre. Naabutan na niyan akong bagong gising, nagtatakaw, petix, paalis ng bahay, etc. Aba’y biglang nasulpot sa amin eh. haha.

(leftmost) Jaysica Rita “Ica” Sanchez / (next to Ica) Charlaine “Laine” Aguilera

(wala kaming picture ni Ica ta Laine together T_T )

Meron pang the wild. si Jaysica Rita Sanchez! Bunso ‘yan. 🙂 From the Province of Batangas

OOOOps, katunog lang ng name nia ang pangalan ng American Idol contestant pero hindi siya yon.lol

Ica tawag nila sa kaniya kaya ako eh naki-Ica na rin. haha. Short for Jaysica ang Ica.
She is one of the persons na laging nakangiti lang. haha.

Actually, matatawa kayo kasi hindi naman namin siya kapareho ng course yan kasi Management Technology ang course niya. Pero huwag kayo, sumasama yan sa amin kapag nag-oovernight kami because of school requirements. Anong ginagawa niya sa overnight? Wala. Taga-dala namin ng pagkain. Bwahaha. Saka tagapahiram ng laptop niya para gamitin namin. 🙂

Kapag programming, sa kaniya ka magatanong at siguradong alam niya. Marami yang kapamilyang lawyers. Kaya nakakatakot awayin. Haha.

Ang naalala ko lang diyan eh nagawa niyangmamuhay sa iisang bubong (as her dormate) yong taong dadating super close niya, kaso, nagka-gap sila. Grabeh lang. Kaya niyo ba yon? Ako kasi, pag ganiyan, araw-araw ng badtrip for sure. Pero, nakakabilib lang na waley na waley lang kay Ica at nagagawa pang mag-smile. hehe. ikaw na Ica!

At nga pala, walang lalaban nang inuman diyan. Grabeh! Ginagamitan lang naman ng straw ang paglaklak sa RedHorse. Parang juice lang eh! tss.

Siyempre si Charlaine Aguillera, from Laurel  — Province of Batangas eh part din ng the wild.

Pangalawa lang yan. Tatlo sila. Pero hindi ko pa nakikita kuya niya kaya akala ko dalawa lang sila. hehe. By nickname ko lang din siya natawag.

hmmm, siya? Siya yong tipo nang taong, go lang ng go. Pag gusto niya, dapat magawa. Wala ng kasi kasi. Wala ng pero pero. Eh gusto eh.  Kaya, like Ninay Maya, parang Php.8.50 lang ang pamasahe puntang HK. Pabalik-balik. haha.

Kung kantahan lang din ang hanap niyo, aba’y kay Laine na ko. She sings well. She made those birit songs so easy for her to sing. Kaya nga partey people yan eh! right?

Naalala ko tuloy yong research paper na napunta sa kaniya. Nakagroup ko kasi siya sa Thesis during our Junior Year.  Tapos, ako, siya at si Bru(siyempre) eh naghati-hati nga gagawin. (Thesis major paper namin to qualify for the Senior Year and yong final paper naman namin to graduate eh Marketing Plan). Pinagresearch ko yan ng some topic about Logistics. Aba’y good sources ang nakita niya and yon yong mga sources na iilan lang ang makakahanap talaga.

From Accountancy to Marketing din siya. Kaya siguro mabilis rin naming naka-jive ang isat isa.

Palaban din ang isang to (napansin niyo ba, parang naghahanap ng away mga wild friends ko? bwahaha)

Next na nga…

(2nd from the left) Mara Jessa “Mara” Adarlo

At dahil wala kaming pic ni Mara together na kmaing dalawa lang, yan na lang. haha.  (l-r) Bru, Mara, Me, Leahang Bangag, Poise, Ninay Maya

The last but not the least siyempre eh si Mara Jessa Adarlo from Bolbok — Province of Batangas.

Actually, ahead siya sa amin ng isang batch. Kaso, may naiwan ata siyang subjects kaya naging kabatch namin.

Honestly, hindi kami close masiyado. hehe. Pero, sa moments namin all together, I see her na lookharet din na may sense of humor…one proof of Mayamang Batanguena na mabait.

Actually, sa una, kahit sino, mahihiyang lumapit sa kaniya. Kasi may golden spoon yan sa bibig eh. hehe. Parang ang layo layo niya. Yong feeling na nakaka-insecure tumabi sa kaniya. And you’ll feel na pinagkaitan ka ng Diyos. haha. Ganoon. Until, nagretreat ang section namin, and sa’min siya sumama. Her roommate was actually Anesli. Tapos, naging ka-table ko siya (Ako, Bru, Anesli, at siya plus others) in our 3-day retreat at Batulao. Doon, mas nakilala namin siya.

Tapos, ayon, during our grad practices, kasama namin siya kumain. Sooooooobrang down to earth niyan and humble. Founder yan ng Heels on Wheels (HOW) na org ng mga girls with tsekot and sa kanila yong Jessa’s Peanut butter. Binenta namin yan noong third year kami. Este, si Bru lang pala nagbenta at hindi kami marurunong. haha.

Kung si Laine at si Maya eh HK girls, etong si Mara, kung saan saan nakakarating. Makikita mo nalang sa fb niya na andito siya, adon, andiyan, She is currently employed sa isang multinational co and enrolled sa culinary lessons.

Hayan. ang aking wild friends. haha.

We varied from ugali siyempre. Nag-aaway rin, nagkakatampuhan at lahat ng nararansan nang ibang barkada diyan. Basta, ang alam lang namin, hanggang sa huling hininga eh magiging wild friends pa rin kami. Sama-sama naming susubaybayan ang buhay ng bawat isa. Through ups and downs, through thick and thin, for richer and for poorer, til death do us apart :*

Marketing plan mates (l-r): Bru, Me, Jinniebels

They are one of the reasons why I am blessed. Thank you Lord for this set of wild friends. ❤

Advertisements