Bakit nga ba kay hirap magpatawad? Bakit ba tayo hirap magpatawad?

…kasi nasaktan ka at hindi pa naghihilom ang sugat? Kasi hindi kapatawad-tawad ang ginawa niya? Kasi kahit nagpapakabuti kang tao, ikaw pa rin ang pinagsakluban ng mundo? Kasi kahit anong sabi mo na, ‘ok na ‘yon’, naalala mo pa rin kung paano ka niya pinagmukhang t*ng*? Kasi kahit anong pagsasabi mo na tanggap mo nang lahat, makita mo lang siya, bumabalik lahat-lahat ng sakit? O baka naman dahil hindi ka lamang marunong magpatawad kaya mahirap para sa’yo?

Hmmm, mahirap? Oo! Sa bagay, mahirap nga magpatawad. Pero, kaibigan, walang madali sa mundo — lahat mahirap, lahat pinag-e-efortan dahil lahat eh hindi ganoon kadaling gawin.

Nakakainis nga kasi akala ko pag nagpakabuti ka, ok na…na solve na lahat…na wala ka ng proproblemahin…na wala ka ng kagagalitan…na wala ng mang-aaway at mananakit sa’yo. Pero, hindi pala ganoon kasimple. Hindi porke’t mabait ka o mabuti kang tao, hindi ibig sabihin nito na makakaligtas ka na sa lahat ng sakit. Unfair ba? Hindi no. Tandaan mo, fair ang mundo dahil lahat unfair. Hindi lamang ikaw ang nakakaramdam na unfair na sa’yo ang mundo. Lahat tayo.

Isang ordinaryong Miyerkules lamang kahapon — yon ang akala ko. I am not feeling well yesterday (kahit naman ngayon) but I still manage to attend my every-Wednesday-novena-for-Mother-Perps (Our Lady of Perpetual Help). Pagkarinig na pagkarinig ko ng Amen sa ‘Hail Mary’ song (closing song), nagsimula akong tahakin ang daan pauwi. Kaso, dahil may nakita ako na malaki at matangkad na harang sa daan ko, I decided to divert my way agad-agad.  Kung anu-anong naiisip ko. Pero sabi ko, imposibleng siya ‘yon kasi nasa Vietnam dapat siya. At imposible lalong magnovena siya kasi tamad na tamad siyang gawin yon. Hay naku Ana, masakit lang talaga ulo mo kaya feeling mo nakita mo siya. Yon na lang nasabi ko sa sarili ko at binalewala ko na ang nakita ko.

Dinala ako ng mga paa ko sa night market na matagal-tagal ko na ring hindi napupuntahan. Kahit, hilong hilo na ko at feeling ko tinatanggal na ang ulo ko sa sakit, medyo namasyal muna ko dito kahit parang lahat ng tao gusto akong banggain at patumbahin. Bumili ako ng nilagang mais at pritong mani sa may bukana tapos umalis na ko’t hindi ko kinakaya ang dami at kapal ng tao.

Kahit kaya ko nang lakarin simula sa night market hanggang sa amin, pinasya ko nang mag-jeep dahil feeling ko talaga, gusto nang umalis ng ulo ko sa katawan ko.

Gawain kong mamili ng jeep. Pag feeling ko hindi ako makararating sa pupuntahan ko dahil mukhang mangangalas na ang jeep, hindi ko ito pinapara. Pero, ewan ko ba, isang uugod-ugod at kalawanging jeep ang napara’t nasakyan ko. Sa dulo ng kanang bahagi ng sasakyan(malapit sa babaan ) ako naupo.

Malapit pa lamang ang natatakbo ng uugod ugod na jeep na ‘yon nang huminto ito at may sumakay — siya.

Akala ko sa sarili ko, tapos na lahat — na napatawad ko na siya, na tanggap ko na, na okay na ko. Pero, noong nakita ko siya at maalala ko kung gaano ko siya minahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit.

Maraming sumakay sa jeep. Feeling ko hindi niya ako napansin kasi sa dulo at likod ng driver siya naupo. At tininngan ko pa ulit siya. To verify. Siya, siya talaga ‘yon. Nakasakay na lahat ng pasaherong nahakot ng jeep nang tinangka kong bumaba. Pero dahil sinsimulan nang paandarin ni Manong ang jeep, napasigaw ako ng “Ma, saglit lang ho.” Dahil sa pagkakasabi ko noon, nakita niya yata ako.

Dali-dali akong bumaba sa jeep. Ewan ko. Para bang instinct ko yon. Napatigil ako sa paglakad at napaupo sa shed sa pinagsamang hilo at sakit ng damdaming nararamdaman. Masakit pa rin pala.

Hindi ako umiyak pero napaluha ko — a tear from my left eye fell. They say, when a tear fell from your right eye, it’s happiness but if its left, it’s pain. And that tear signified that I am in pain emotionally and literally.

I started walking home. Mabilis. Mabilis na mabilis. Para akong kalahok noon sa walkathon.

Mga apat na poste na lamang at bahay na namin nang may lalaking humarang sa akin — siya… Lalampasan ko lang sana siya pero hinarang niya ko. Tinangka kong tumawid sa kabilang bahagi pero humarang ulit siya. Hanggang sa hindi na ko nagtangkang iwasan siya.

Ilang minuto kaming tahimik lang. Hanggang binasag na niya ang katahimikan.

“Napatawad mo na ba ‘ko?” sabi niya.

“Bakit, humingi ka na ba ng tawad?” sabi ko. Tapos, mga 10 segundo sigurong walang naimik sa’min ulit.

“I’m sorry…” sabi ulit niya na tila ba naiiyak na siya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko siyang sampalin ng kaliwa’t kanan pero gusto ko rin siyang yakapin ng sobrang higpit. Ewan ko, naguluhan ako.

“Masaya ka naman di ba?” tanong ko.

“Oo. Masaya ako. Masaya kami. At hindi ko sinadyang masaktan ka. Sorry kung ginawa kitang rebound at panakip-butas.”sabi niya.

rebound at panakip-butas.

rebound at panakip-butas.

rebound..

..at panakip-butas.

rebooooooooooooound.

paaaaaaaaaaaanaaaaaaaakip buuuuuuuuuuuutassss.

Paulit-ulit yang nag-echo sa isip ko bago ako ngumiti sa kanya.

Tapos sabi ko,”Kung Diyos nga napapatawad tayo, ako pa kaya ang hindi? Napatawad na naman kita. Tanggap ko na. 3-month rule is over na nga. Yon nga lang. Hindi ko alam when would I forget all these pains and heartaches you have cause. Only time can heal these. Only time can tell.”

Lalayasan ko na sana siya when he hugged me sooooooooooooo tight. He was crying. At doon ko naramdaman yong sincerity niya na nagsisi siya kahit paano. Hinayaan ko na lang siya. I hugged him back…I know, after this hug, its the end of all. Finally, may closure na. Hindi katulad noong December na text lang, break na. Malabo. Ngayon, malinaw na lahat.

Pagkabitiw niya sa’kin, bago pa siya nakapagsalita ulit, nilampasan ko na siya at naglakad na ‘ko…dito pa lang ako napaluha ulit sa left eye lang.

Mga naka-20 steps na siguro ako when I heard him shouting, “Anapot, salamat!” I waived my right hand nang hindi na siya nililingon. Maybe to signal na he’s welcome.

Okay na ba? Oo. Yata? Siguro. Ewan. Basta ang alam ko, napatawad ko na siya kahit mahirap talaga magpatawad lalo na kung wala ka namang ginawang kahit ano na mag-trigger sa kaniya na saktan ka — na tipong binigay mo lahat-lahat para makita yong ngiti niya, kaso, binalewala niya lahat ‘yon. Sh*t di ba?

Pero, anong magagawa ko kung  mahal niya talaga yong isa. I make a  decision that can free me from questions why he left me. I make a call of letting him go…

And letting him go means  accepting that he is not mine anymore, continuing life without him, and of course forgiving him — fully. Para akong nabunutan ng tinik noong mag-decide akong patawarin siya. Angsarap sa pakiramdam. Although may mga ‘kirot’ pa rin paminsan-minsan, I know, time will help me heal this.

For now, what’s important is hindi na dumudugo ang sugat na dulot niya. Bukas o sa makalawa, matutuyo na rin ang sugat na ito. Mag-iiwan  man ito ng peklat, naniniwala akong balang araw, mawawala rin ito (kapag nakapag-pasya na akong gamitan ito ng sebo de macho). Sa tamang panahon…sa pagdating ng tamang tao. 🙂

Mahirap magpatawad, oo.  Pero huwag mong kalimutan na lahat ng tao nagkakamali at lahat tayo ay pinapatawad ng Diyos. Kung tatanggapin lang natin na ibaba ang pride na ‘yan, eh di ayos.

Bago ako tuluyang kumatok sa pinto ng bahay namin, tumunog ang cellphone ko.

1 message received.

[From: +6399********]

Msg: Salamat Anapot! You deserve someone better than me. TC always. Gb!

Reply:

[To: +6399********]

Msg: Thanks. You too..

Kumatok na’ko sa pinto at akmang papasok nang tumunog ulit ang cp ko.

1 message received.

[From: +6399********]

Msg: 🙂

Pumasok ako sa bahay namin nang may ngiti. Nanuod ng Princess and I. Pumasok sa kwarto, nagsoundtrip at natulog.

I had forgiven not only him but also myself. I forgave myself for not accepting this before.

I played Perfect Two for the last time last night. Yes, for the last time..

Advertisements