Sa panahon ngayon  hindi kaila ang kasikatang tinatamasa ni Jose Marie Viceral o  mas kilala bilang Vice Ganda.

Suki na yata siya sa larangan ng Comedy maging sa telebisyon man o sa comedy bars. Sa katunayan, araw-araw siyang nakikita sa telebisyon — Monday–Saturday sa It’s Showtime kung saan siya ay permanenteng hurado (at hindi kaila na dito siya lubusang namayagpag) at tuwing Sunday naman sa kaniyang sariling show na Gandang Gabi Vice (GGV) na binansagan ng trending capital of the Philippines. Maging ang naiiba niyang galaw gaya ng ‘T-rex’ dance at ‘Ostrich’ walk ay ginagaya ng mga tao ngayon.

At sino pa ba ang hindi nakakaalam ng Super Bass Dance Craze na pinasikat niya?

Ikaw na nagbabasa nito, umamin ka, minsan (kung hindi man palagian) ka ng nautas sa tawa sa tuwing babanat si Vice ng kaniyang mga naiibang pagbibiro. Kaso, sabi nang ilan, ang pamamaraan daw ni Vice Ganda ng pagpapatawa ay sa pamamagitan ng pambabara na minsan nang nagiging offensive.  Sabi nga, haters gonna hate but lovers gonna love him/her more ^__^

Kaya, kahit ganoon, hinahangaan ko ang mabilis niyang mag-isip para makapang-joke at talaga nga namang nakakatawa. 😀 haha. Minsan nga, kahit anong badtrip ko, pag nag-joke siya sa Showtime, napapangiti pa rin ako. (Salamat Vice at nag-exist ka) At lalo naman akong nautas sa pelikulang Praybeyt Benjamin. Ang tawa ko eh —- sagad talaga. haha.

Sa pagyabong ng kaniyang karera bilang komedyante, sumabay rito ang pag-usbong nang naiibang ugali nang, kung aking babansagan, eh modern society.

Halimbawa:

Ex 1: (dumating si Juan sa bahay ni Pedro)

Pedro: Oh, nariyan ka na pala Juan.

Juan: Ay wala pa. Picture ko lang ‘to. Picture! Tsk

Ex 2: (Bihis na bihis si Nena, asawa ni Juan)

Juan: Oh bihis ka. Sasama ka ba sa birthday-han?

Nena: Ay hindiii-hindi! Nagbihis lang ako para maporma sa bahay! Tsk.

Marami pa ang mga halimbawang ito. Maging ikaw na nagbabasa nito, sigurado akong may kaniya-kaniyang version din nang pambabara. At kahit yong kausap mo’y hindi patatalo sa pambabara.

Ang impluwensiya ni Vice Ganda sa kaniyang pananalita at naiibang pagbibiro ang dahilan kung bakit ang mga hindi nambabara noon ay natututo nang mambara ngayon at ‘yong mga hindi nababara noon ay madalas na nababara ngayon — na tipong kahit seryoso na yong sinasabi mo, may angle pa rin na mababara.

Example:

Ako: Anong oras ka uwi?

Siya: Malamang pagkatapos ng office hours. Alangang umuwi ako nang hindi pa 5:00pm. Eh di na-undertime ako!

Ako: Tsk. Eh bakit, pede namang 5:30 pm ka umuwi kahit 5:00 labas na tayo.

Siya: Eh bakit 5:30 pm pa kung pede naman exact 5:00?

*Office hours: 8:00am-5:00pm

Ano nga bang mayroon si Vice Ganda at naging ganito ang society natin? Siguro nga’y malakas lamang ang kaniyang impluwensiya o hatak sa masa. Ikaw sa tingin mo, ano?

But, oh well, ‘yong impluwensiya naman niya eh isa lamang sa mga patunay na iba ang powers ng hatak ng mga public figures. Lalong lalo na kung sikat at natatangi ang entertainer na ‘yon. Talagang gagayahin ng masa. At tunay na maaapektuhan niya ang bawat kaugalian ng publiko.

Maraming nagmamahal kay Vice Ganda, alam ko ‘yon. At isa ako sa mga taong ‘yon. I love him/her(?) with all that I am. 🙂 100% proven.

To Vice Ganda: Thank you for making me smile always. I wish you continued success for your career! God bless you! 🙂

Sabi nga ni Kris DP, I wrote this with due respect.

Advertisements