Pagkat minsan, naging bata rin ako, heto ang ilan sa mga kawalanghiyaan slash pinagagagawa slash pinagkakaabalahan noong mga panahong iyon, infairness, nakaka-miss! T_T
  1. Noong bata ako, kumakanta ako sa harap ng electric fan para marinig ang robotic voice ko.
  2. Noong bata ako, naglalaro ako ng family computer ng Battle City! Tapos, hinihipan ko muna yong bala bago ilagay sa lagayan para gumana.
  3. Noong bata ako, akala ko sinusundan ako ng buwan. Na tipong nasa sasakyan ako, talagang ibaba ko pa ang bintana para makita ang buwan.
  4. Noong bata pa ako, kapag may sugat ako, takot ako sa ALCOHOL. Mas natutuwa pa ko sa hyrdogen peroxide (yong kapag mabula daw ibig sabihin, madumi). Pero best choice talag ang betadine — less ouch. hehe
  5. Noong bata ako, ang saya pag may bagong biling Magic Pencil (pero Bensia pencil ang tawag ng mame ko kasi yon yong brand)
  6. Noong bata ako takot din ako sa moomoo! Well, kahit naman ngayon. (Trivia: I don’t watch horror movies. Pede niyo namang isama ako sa sinehan, basta, nakapikit ako at nakatakip ng bag ang mukha. xD ) Tapos, mahilig din akong manakot sa pamamagitan ng awoooooooooooooo!
  7. Noong bata ako takot ako tumingin sa ilalim ng kama at sa bintana pag gabi. #AlamNa haha.
  8. Pasintabi sa mga may kinakain habang nagbabasa pero noong bata ako pinapalobo ko laway ko. (Yak!) haha
  9. Noong bata pa ako, pag nahulog pagkain ko, naniniwala ako sa 5 seconds xD
  10. Noong bata pa ko, hindi ko nami-miss ang episode ng Bananas in Pyjamas . Ang cast ay sina B1, B2, Morgan, Amy at Lulu … and oh, si Doding Daga! hahahaha
  11. Noong bata ako, akala ko ‘Dibaydibay’ yong divided by. hehe
  12. Noong bata ako, yong mga damo niluluto ko kunwari meron akong restaurant! Kaya dati, nangati kamay ko kasi feeling ko dahon ng Lipa nagamit ko. haha. (PS: Makati ang dahon ng Lipa. As in!)
  13. Noong bata ako, nagdo-drawing ako ng araw sa lupa para hindi tumuloy ng ulan. (Ngayon, sun dance na! haha)
  14. Noong bata ako, naglalaro ako sa loob ng kahon, gumagawa kami ng bahay gamit ang kumot bilang bubong at upuan bilang haligi.
  15. Tapos, noon bata pa ko ginagawa kong ostiya ang haw flakes (asan na kaya ‘to ngayon? I want this).
  16. Noong bata ako, gustong gusto ko ang salagubang tapos puputulin ung paa.haha xD Ayaw na ayaw ko kasi ng feeling na dumidikit as damit ang paa nun. Tapos, tatalian ang salagubang. yehey!  #Evil
  17. Noong bata ako, palaging may bimpo likod ko. Mahilig kasi ako maglaro nga taya-tayaan at jer-base.hehe
  18. Noong bata ako, ginagawa kong singsing ang pritos ring before.
  19. Noong bata ako, mahilig akong magtrace ng dots. Feeling ko kasi, ang galing kong mag-drawing dahil doon. (at hanggang trace the dots na lang ako. hihi. teka, pati pala drawing ng taong stick!)
  20. Noong bata ako, akala ko sumisipsip ng dugo ang rubber band. Pero palagi ko pa ring ginagawa. Speaking of rubber band, alam niyo ba yong gawin ang star, bahay ni Kiko, sapatos ni Kiko, belt ni Kiko, singsing ni Kiko at t*e ni Kiko? *rotfl*
  21. Noong bata ako, nagpapalobo ako ng plastic balloon. Tapos, ginagawa ko itong lollipop bago palobohin para daw malaki ang magawang lobo!
  22. Noong bata pa ako, pag may dumarating na helicopter, kumakaway ako.

Marami pa ‘to. Pero sapat na ang mga ala-alang ito para sabihin kong gusto kong maging bata ulit. Hindi lamang dahil sa gusto kong gawin ulit ang mga bagay na nakalista dito bagkus gusto kong maging bata para magkaroon lang ako ng magic pencil, masaya na ako. Mababaw, madaling ibigay — at ang bata kasi, inosente. Wiild and free: i LIKE..

Advertisements