Sa buhay, darating talaga yong panahong kailangan mong pumili para sa ikaaayos ng lahat… para hindi na umasa ang iba… para makapag-settle ka na sa isa lang… para magmahal na lang ng iba ang mga taong hindi mo kayang mahalin… at higit sa lahat, para hindi ka na rin mahirapan kasi habang hindi mo ma-identify kung sino sa kanila si  ‘the one’, mas lalo mong masasaktan  ang hindi mo mappipili kapag pinatagal mo pa.

Naguguluhan ka? Don’t worry, hindi ka nag-iisa. But hey, this might help us out (came out with my conversation to my one and only Bru and I’m on the process of assessing).

  • Mahirap pumili ng taong MAS mahal mo lalo na kung pare-pareho naman sila sa’yo. Timbangin mo sila hindi base sa kung sino ang ‘mas’ mahal mo but rather base sa kung sino yong taong hindi mo kayang mawala sa’yo.
  • Piliin mo ang taong hindi mahihiyang hawakan ang kamay, yakapin, at halikan ka off and on cam and vice versa. Bawal ang showbiz. Dapat proud siya na ikaw ang GF niya.
  • Piliin mo yong taong kaya mong humarap ng bagong gising ka kahit punong puno ka ng morning starSSSSSSSS.
  • Piliin mo ‘yong taong kaya kang ibili ng napkin kapag kinailangan mo at proud siyang gawin para lang sa’yo.
  • If ever na in the middle of your relationship, may sumulpot na third party, piliin mo yong taong kaya mong patawarin.
  • Piliin mo yong taong pwede kang matulog habang siya ang nagdadrive kasi feel mo na safe ka sa kaniya at iingatan ka.
  • Piliin mo ‘yong taong totoo ka — na kung kumakain ka man ng 8 rice sa mang-inasal, hindi ka pagbabawalan.
  • Piliin mo yong taong tatanggapin ka even at your worst .. na tipong pag nag-away kayo, at the end of the day, kasalanan mo man o niya, hihingi pa rin ng tawad at lalambingin ka.
  • Piliin mo yong taong kapag naglayas ka dahil sa mababaw na dahilan, susunduin ka pa rin at yayain ka umuwi.
  • Maniwala ka sa ‘natural scent’ — piliin mo yong taong amoy pa lang, alam mo ng siya yon … na hindi mo pa nakikita, alam mo ng nasa paligid lang siya.
  • At syempre, piliin mo ‘yong taong mapapangiti ka….araw-araw.

Mahirap pa din no? Pero, kaya mo yan friend! Masakit din, oo. Kung ang pagpili mo sa isa ay nangangahulugan nang pagkawala nang dalawa, let it be. That’s the way it is. You have to make a choice.

Kung tama ba gagawin mo? Hindi ko rin alam (dahil kahit ako, gulong gulo na). Pero sabi nila wala namang tama o mali sa pagpili eh. Basta what matters most eh paninindigan mo ang magiging desisyon mo come what may — that makes it right then.

*Sigh*

PS: Pray. Bec, it is still His will…

Advertisements