Follow them on twitter! :)

Follow them on twitter! 🙂

I was browsing my Twitter feeds when this tweet pop out and I can’t help myself but (positively) react to such. 🙂

“If you are unwilling to risk getting hurt, you will never find love.” — #Truth right?

Maraming taong ayaw ng magmahal ulit lalo na kung nanggaling sa painful breakup (e.g. iniwan ka dahil sumama sa iba kahit wala ka namang kasalanan, may gf sa LuzViMin at sa’n mang sulok ng mundo si Jowa, nakipag-break sa’yo kasi mahal pa si ex, etc.).

Sabi nga nila, kapag nagmahal, binigyan mo na rin ng karapatan ‘yong taong minamahal mo na saktan ka. Kasi nga hindi ka naman masasaktan kung hindi siya importante sa’yo di ba? Aba’y kung ayaw mong masaktan, huwag ka na magmahal. But you’ll miss one of the wonderful things in this world — and that is falling in love (and staying inlove). 🙂

Sabi nila, okay ng mag-isa ka para makaligtas ka sa pananakit. Pero, at the end of the day, mas okay pa rin na may kasama ka — Hindi ba mas okay na may yayakap sa’yo pag pinagsakluban ka ng mundo? Hindi ba mas okay na may mag-ta-tap ng balikat mo for a job well done? Hindi ba mas okay na may mapagtatanungan ka ng opinion kapag hindi mo na alam kung alin ang sundin sa sobrang dami mong iniisip? Hindi ba mas masarap kapag may kasama kang tumanda — na mag-aalaga sa’yo at hindi ka iiwan …  na till death kayo?

PS: Hindi po ako inlove. Inspired lang.

Advertisements