Paulit-ulit nating sinasabing ‘live your life to the fullest.’ Pero ang totoo, ilan nga lamang ba ang talagang namumuhay to the fullest sa araw-araw na ginawa ng Diyos? Na namumuhay ka, as if, today would be the last day of your life? Kung mayroon man, nararmadaman kong kakaunti lamang.

.. At hindi yata ako kabilang sa mga kakaunting iyon. Kasi masyado akong confident na magtatagal pa ko sa mundong ito. Pero, hindi nga pala talaga ganoon. Kasi muntik na ‘ko kaninang tubuan ng helo (or devil’s horn kung sa tingin niyo iyon). At promise, hanggang ngayong sinusulat ko na tio, nagpapaligsahan pa rin ang mga paru-paro sa aking tiyan at ang mga kabog sa aking dibdib kung sino sa kanila ang unang makakakapagpa-collapse sa akin.

Today, April 8, 2013, I had suffered from a near-to-death experience. And I just can’t help myself but pray —

It was a beautiful Monday morning. Ginawa ko ang daily routine ko — gumising, nag-breakfast, naligo, nagbihis. Menos 10 minuto bago mag-7:00 am naglakad na ‘ko papuntang terminal ng van na naghahatid sa akin sa king trabaho.

‘Yong van na sinasakyan ko, wala talagang oras ng pag-alis. Pero kadalasan, 7:10-7:20am pa sya umaalis sa terminal. So, sakto lamang dapat ako kasi 7-10 minuto lamang naman ang terminal mula sa bahay namin depende sa bilis ng lakas ko. So, mga 7:00am ang dating ko dapat sa terminal.

Laking gulat ko na lamang na hindi pa ako nakalalapit sa terminal ay nakita kong papaalis na ang van. Time check: 6:58 am. Sa bagay, hindi naman ito ngayon lang nangyari. Ilang ulit ko na ring hinabol ang van sa kabilang kalye dahil napaaga ang alis nito kaysa sa normal nitong alis.

Sa paghabol at focus ko na sundan nang tingin ang van, hindi ko napansing may pulang kotse nang parating  at kumakaribok sa pagbangga sa akin. Kung hindi ako binusinahan ng driver ng kotseng iyon para ipaalam sa akin na parating na siya, hindi ko alam na mababangga na pala ‘ko. Tapos, ang k*t*ng*h*n ko pa, sa halip na lumundag ako pabalik sa safe side walk pagkabusina ng driver eh tinitigan ko pa ang kotseng babanggain na ako at halos i-shield ko lamang aking kamay sa kotse na tila ba feeling ko may super powers ako at mapipigilan ko ang pagbangga sa akin. Buti na lamang talaga, nagpreno ang driver. Buti na lang. Or else, malamang hindi ko to nasulat ngayon at nasa Mediatrix na ‘ko’t critical ang condition (pinakamalapit na hospital kung nasaan ako muntik mabangga ng pulang kotseng iyon).

Noong tumigil ang kotse sa harap ko, naitigilan ako. Halos maiyak ako. Halos tumigil ang mundo. At naisip ko, patay na ba ko? Seriously.

Noong tumawag lang ang driver ng van na hinahabol ko, saka ako natauhan at gumalaw. .. saka lamang ako pumunta sa direksyon kung nasaan ang van at sumakay.

Pagkasakay ko ng van, napaluha na lamang ako. Naisip ko, kung naaksidente nga ako at namatay, handa na ba ako? HINDI!!! Kasi kulang pa. This is not yet the best life I ever dreamed of. I am not yet living the life I have ever imagined. I am still not apologizing to people I hurt likewise thanking people for loving me and valuing me.

Pero, ang pinakamasakit? Kung naaksidente nga ako, paano kaya malalaman ng mga tao sa buhay ko? At bukod sa family ko, sino kaya ang unang dadating para malaman kalagayan ko? Sino kaya ang handang i-giveup kung ano man ang appointment nila para puntahan ako agad-agad? Sino kaya ang magbabantay sa akin hanggang sa magising ulit ako? At if ever man na mabalian ako at magkaroon ng incapacity dahil sa aksidenteng iyon, sino kaya ang magtiyatyiagang mag-aalaga sa akin o alalayan akong maglakad o tulungan akong maka-alala if ever?

Pero naisip ko rin, I am the worst person to be loved kasi so how could I expect them to love me and even take care of me?

T__T

Nakalulungkot lang.

I need hugs. Sana may magbigay sa akin ngayon. As in now na.

sigh.

Advertisements