let go

Some things to ponder para sa lahat ng mga tao sa mundo ko (at ang mga random na taong nagbabasa ng blog na ito):

  • Kapag handa ka nang iwan ang nakaraan tsaka ka lang magiging handang salubungin ang hinaharap.
  • Kung masaya ka, wag mo nang isipin kung bakit. Damahin mo na lang habang nararamdaman mo pa.
  • Alam mo ba na ang TAMPO ay mas special kesa sa GALIT? Kasi ang GALIT pwede kahit sino. pero ang TAMPO ay para sa taong hindi mo kayang mawala sayo.
  • Ayoko sana ikaw itext kasi gusto ko namimis mo naman ako at maramdaman ko na mahalaga rin ako sayo. Yun nga lang, sensya na di ako kasing TIBAY mo……na masaya kahit WALA AKO. 😦
  • “Ayokong makita mo akong nahihirapan kasi baka mas masaktan ako pag nakita kong wala kang pakialam.” – Bob Ong.
  • Hindi nagbabago ang tingin ko sa isang tao dahil sa galit o natutuwa ako sa kaniya. Nag-iiba ang tingin ko sa isang tao dahil nag-iiba din kung ano ang ipinapakita niya.
  • May araw na masaya, mas masaya at napakasaya. Pero walang araw na malungkot. Mas masaya ka lang kahapon, kaya pakiramdam mo, malungkot ka ngayon.
  • Ang paulit-ulit na karanasan ay may dahilan. Ito ay para turuan tayo sa mga bagay na paulit-ulit nating HINDI matutunan.
  • Isipin mo na lang ikaw ang huling pahina ng coloring book niya. Makukulayan ka, maghintay ka lang. Pudpod na ang crayola pagdating sayo, pero sigurado ka naman na hindi na siya lalampas sa mga guhit mo. At wala ng next page pagkatapos mo.

Ponder ponder din ‘pag may time.

PS: Quotes were compiled by the blogger.

Advertisements