Generally

Sabi nila, before you look for the right person, be the right person first. .. para pag dumating na raw si ‘the one’ mo, ay ‘right one’ ka na rin para sa kaniya. Hmm, something to reflect about no?

Pero on the contrary din, may mga nagsasabi na ‘just be yourself’ and someone will come along and find you really amazing no matter how corny nor how good you are in saying bad words…in front of many…24/7.

Sa tingin ko, the bottomline of this thoughts from the (several) anonymous ones was actually to be the best person to love selflessly. Of course, I am not saying na maging anghel o super nice guy ka diyan to the extent na lahat na lang ng pagpapapogi mo, nilalabas mo para lang sa dagdag pogi points lagi. What I am trying to say is magmahal ka as if you’ll never get hurt (again).

Ideally

Ideally, lahat ng tao may pangarap o sabihin na nating standards sa pagpili ng makakasama sa buhay. At dahil blog ko naman ‘to, hayaan niyong ilatag ko ‘yong ako para if ever man na may matiyagang lalaking mag-research sa akin, alam na niya kung sino ako at ang walang kabuluhang standards ko.

  • Kung mas maliit sayo hinahanap mo, hindi ako yon. Unless you stand 5″8 or above, pwede ako. Pwede na rin kung 5″7 ka basta itirik mo na lang yong buhok mo kasi pag nagheels ako, siguradong mas matangkad na ako sa’yo.
  • Kung ang gusto mo eh taong sweet at malambing, hindi rin ako yon. Unsweetened version kaya hindi ako malambing. Sa katunayan nga, kapag nagtampo ka sa akin and I already apologized, sasabihan pa kita ng ‘txt ka na lang kapag hindi ka na tampo’ . Pero well, kung ang tingin ko naman eh super nakakatampo talaga ginawa ko, willing akong ipasara ang kalsada para mag-sorry.
  • Kung kasama sa mga hinihanap mo ay isang babaeng kikay, hindi ako ‘yon. Lumaki ako sa relihiyoso at conservative na pamilya — simpleng manamit casually, walang kolorete sa mukha (except kung may work/aatendan na formal party), bihira mag-heels (dahil na rin sa height ko), occasionally lang mag-nail polish,  etc.
  • Kung naghahanap ka ng magaling kumanta o sumayaw, hindi ako yon. I don’t sing and I dance like a penguin. Wala akong talent. If you consider writing a talent, then that would be my talent. If not, sorry, wala nga eh.
  • Kung ang tipo mo sa babae eh nagpapiano, hindi rin ako ‘yon.  I can play the piano pero isang kanta lamang at hindi pa buo. Pero kung guitar at flute, okay ako don. Kahit magjamming pa tayo magdamag, go.
  • Kung ang gusto mo eh swimmer, sorry, ibang styles ang alam ko — pa-lunod, pa-tiad, pa-kapit, pa-lubog at pa-gilid. Kung gusto mo magswimming, game naman ako. Basta huwag ako pupulikatin at hanggang nth feet, sige, swimming tayo.
  • Kung ang kasama sa standards mo sa babae ang marunong mag-volleyball, hindi ako yon. Basketball is my sport.  Jersey number 4. Pwede ring soccer, badminton, lawn tennis, fun run, or kahit sungka pa yan.
  • Kung ang hinahanap mong babae eh household chores expert, hindi rin ako ‘yon.  Pagpiprito lang ang alam kong way ng pagluluto, hindi ako magaling maglaba dahil minsan amoy sabon pa, hindi ako masyadong marunong magwalis kasi minsan mas marami pa ‘yong natanggal sa walis kaysa sa kalat na nawalis ko, hindi rin ako marunong mamalantsa at minsan nakakasunog pa nga ako. Isa lang ang expert ako: maghugas ng mga pinagkainan.

Lucky You

Well, marami akong pagkukulang, alam ko. Pero despite those things, kapag minahal ko ‘yong tao, I am very much willing to give everything for him. Mamahalin ko siya as if I wasn’t hurt before. At I am very much willing

  • na maging sweetest and most malambing person in town,
  • na maging blush on awardee para may li’l bit of kikay side,
  • na maging Anne Curtis-inspired singer at John Lloyd Cruz-inspired dancer sa harap ng lahat kahit bumabagyo na ng signal number 4 sa ka-grabe-han ng panget ng boses ko at nagtatakip na ng mga mata ang mga tao’t ayaw makit ang dance steps ko,
  • na maging valedictorian sa piano lessons ni Ryan Cayabyab para maging magaling akong pianist
  • na maging pro swimmer at suki ng milo swimming lessons ni Papa Enchong,
  • na maging volleyball varsity at talikuran ang basketball path,
  • at na maging household expert LVL 100.

Lahat ‘yan, handa akong gawin. Handa akong magbago para sa kaniya. Pero, sh*t lang no kapag binago mo na lahat sa’yo, iniwan ka pa rin. Tss.

Well, don’t get me wrong ha. Sabi ko, handa pa lang gawin at hindi gagawin agad-agad teh ha.  Syempre, hinay at dahan lang para it would be worth it. Pero seryoso ako. Kaya kong gawin yan para sa karapat dapat na tao … para sa woth it na tao.

At habang iniitay ang taong yon, magiging ako muna ako. Eh, heto ako eh. Magagawa ko. It’s either you take it, ore leave it. But, if that time comes na I think he’ll deserve more than my bad / flaws side, saka na ang change change chuva na yan.  Sabi nga, if he can’t handle you at your worst, then he doesn’t deserve you at your best, di ba??? 🙂

For now, magpapakabait na muna ko para maging si ‘right person’. Para pag dumating si ‘the one’, I’ll be completely a fully grown ‘the one’ for him. Kayo rin.

Cheers sa mga singols! 🙂 He would be worth the wait. Trust me. trust God. Party party! 🙂

Advertisements