Hindi siya mali pero hindi rin siya tama. Paano kaya ‘yon? Hirap.

Well, sabi ng Tatay ko, kapag gumawa ka ng desisyon sa buhay mo wala namang tama o mali. Nagiging tama lang daw ang isang desisyon kapag papanindigan mo ‘yon kahit na paulit ulit pinaparamdaman sa’yo ng buong mundo na mali ka.

Pero paano ka nga ba patuloy na maninindigan kung feeling mo lahat-lahat against na sa’yo? ‘Yon bang tipong pinangangatawanan mo namang ito ang desisyon mo pero maraming beses mong nararamdamang (super) mali ka. ‘Yon bang namamalayan mo na lamang na tulala ka na pala, nat*t*ng* at nalulungkot lagi. And worst case? ‘Yong paulit-ulit mong nararanasan na ‘yong taong patuloy na pinaninindigan mo, hindi ka man lang ipinaglalaban. :'(Kaya tuloy nasasaktan ka .. not once, not twice but rather many many times.

Lalo na kung marami kang ginive-up noong piliin mo siya. Nawalan ka ng mga kaibigang namimiss mo na ngayon ng sobra sobra. Kasi noong pinili mo sya, nag-giveway sila. Masakit sa’yong umalis sila at iwan ka nila. Pero dahil sa desisyon mong sya (at hindi sila) ang manatili sa buhay mo, pinilit (at pinipilit mong) unawain bakit sila nawala.  Pero, ano? Ngayon, nga nga. Lalo pa na ‘yong taong kasama mo dapat na naninindigan, unti unting kung saan saan naninindigan.

Mahirap labanan ang mundo. Mas mahirap labanan ang buong mundo ng mag-isa. Pero yong pinakamahirap palang paglaban ay kapag ‘yong taong dahilan kung bakit mo nilalabanan ang buong mundo ay hindi lumalaban kasama mo.

Poor.

Ewan.

Advertisements