AKamante

2013. Parang ang tagal at ang haba haba na nang taong ito. Ang dami na kasing nagbago sa akin . Bukod sa namayat daw ako (DAW ha), may mga taong nawala, may mga taong dumating sa buhay ko…may nanggugulo, may umaayos…may mga pagsubok na nalampasan na at nilalampasan pa hanggang ngayon…may mga bumabalik pero hindi mo alam kung tama bang pabalikin sila…may bigla na lang sumulpot at naging ka-close mo at mayroon rin namang kaclose mo nga pero parang anglayo niyo na sa isa’t isa bigla. Maraming nagbago. Magulo. Nakakahinayang. Nakakasakit.

Well, halos lahat naman nakakaranas ng ganoon eh…’yong iniiwan.hihi. Kasi lahat ng tao sa buhay natin, temporary lang talaga. Masakit mang isipin pero inanganak tayong mag-isa at ililibing din mag-isa. Siguro nga, mahahanap mo si ‘the one’ at mamahalin ka ng buo at tatanda kayo magkasama. Pero, the time would come na may isa sa inyong mauuna—- maaring ikaw…maaring siya. Who knows? Only God can. At kapag dumating yong time na yon, mag-isa ka na ulit.

Kaya bago dumating yong time na ‘yon, napaka-importante na matuto ka sa bawat experiences na nangyari sa’yo. Para makapag-seize the day ka kasama ang mga taong mahalaga sa’yo.

This year, sa 525, 600 minutes na mayroon ako, I tried to live everyday as if it would be my last day…I live my life to the fullest. Ngunit, kahit ganoon ka pala na puro optimism ang laman ng utak mo, susubukin ka pa rin ng mundo…..na hindi porket mabait ka at nagpapapakabuti, makaliligtas ka na sa lahat ng sakit. And worst, magkakamali ka pa rin sacrificing things and people that matters to you.

Sa pagikot ng gulong ng buhay ko ngayong taon (wether nasa itaas man ako or hindi), marami akong natutunan.

AKamante

14. Life begins outside your comfort zone.
  • There’s more to life than the usual things I do. I played basketball when I was in college. But due to some injuries that limit me from playing, I expanded my horizon and venture into the new sport I know nothing about — badminton. Oo, natatalo ako kahit ng mga bata, at oo, nakakahiya. Pero alam ko kapag pinagbutihan ko, isang araw, mananalo rin ako sa kanila. Matutunan ko rin ang smash na ‘yan at tamang techniques.  Hindi ko comfort zone ang individual sport kasi hindi ko ganoon ka-trust ang skills ko pag walang tulong ng iba sa paglalaro. But badminton gives me some fulfillment na hindi ko alam kung ano. And I’m trying to be good at it. Tara, sama ka! 🙂
13. Maturity comes with experience, not age.
  • Every person you meet is experiencing a struggle you know nothing about. Don’t judge them on how young they are. Malay mo, mas may matutunan ka pa sa kanila kaysa sa natutunan mo sa taong 20 years older than you.
12. Feelings don’t fade overnight…not over months too.
  • Self explanatory, di ba? Haha! Basta natutunan ko to base sa mga taong nakita kong nasaktan at hanggang ngayon in denial na wala nang nararamdaman pero may mag-flaschback lang na kaunting kaunting memories, hagulhol na.LOL
Boo and Me11. Love is the best medicine. But overdose it, and it would kill you.
  • Magmahal ka. Okay ‘yon…yong may mag-aalaga sa’yo, ipaglalaban ka kahit ano mangyari, ‘yong kahit galit ka eh mapipilitan kang ngumiti kasi pinipilit ka, at ‘yong kahit naiinis ka ikaw rin yong unang magsosorry kasi hindi mo matiis. Pero, magtira ng love para sa sarili. Kasi pag napa-over yang pagmamahal na yan at ibinuhos mo na lahat sa taong mahal mo, lagot ka. Iiyak ka na lang sa sakit. Magmahal ka pero mahalin mo rin sarili mo. Yong sakto lang, ika-nga. Kasi baka masakal pa sya. Lagot.
10. Don’t (as in never) sacrifice who you are for someone.
  • Let the person love you for you. Pinakamahirap mag-pretend na ‘ito’ ka pero hindi ka naman ganoon. Wag mag-dress kung hindi ka talaga nagsusuot noon. Magugustuhan ka ng isang tao and lahat sa’yo, kahit nakpanagbahay ka pa, he/she would find you amazing no matter what. 😉 #ThanksBooForLovingMe (cheesy, sorry)
9. We wake up each day facing each brand new day with or without the smile on our faces.
  • Lagi namang ganito. Kahit may problema ako, ngiti pa rin. Lalo na kung papasok sa office at may presentation ka. Separate professional life from personal life…saka hindi ba, hindi nama tayo hihintayin ng mundo. Malungkot ka man or hindi, iikot ang mundo at mauubos ang oras.

8. It’s not my job to solve the problem of anyone. But it’s my job to be there for them if they needed a friend.

  • Kapag kailangan ako ng isang kaibigan, I make sure na I’ll be just behind him or her. Wala man ako maitulong para mapagbati ang nanay at tatay niya slash mabayaran yong lupang isinangla ng sutil niyang kapatid slash ibalik ang kasintahan niya sa kaniya slash palitan ang prof niya para bigyan siya ng mataas na grade, at least, andoon ako para makinig. Minsan naman kasi, yong problema ng kahit sino, siya lang din makaka-lutas. Basta ang importante, maramdaman niya na nandito ako come what may…na kahit ano pang pinagdadaanan niya, I got his/her back. Malaking bagay na yon for him/her.

7. If he’s not doing anything to keep you, then why are you fighting to stay?

  • Self explanatory.LOL. Sorry. Skipping this bullet. \/ ^___^
6. A simple “I miss you” can change everything.
  • Totoo ‘to. May mga lumang tao sa luma kong buhay ang nagbalik dahil dito. These words are too powerful that It can really affect your mind and heart as well.
5.  Sometimes you never realize how much someone means to you, until they’re gone.
  • Everyday seems to be a night mare especially noong nawala yong taong halos pinagkakamalan na kayong magkapatid………………………..<explained via heart and I invoke my right.LOL> *deep breath* Mahirap. Kaya kayo, treasure those persons hanggat never pa nila kayong giniveup. Because you’ll gonna miss them soooooooooooooo much when they are gone. Believe me. I’d been there…
4. Nobody exactly knows what you feel inside.Selfie
  • You are responsible for your own happiness…no one else does. So don’t expect that someone will read what’s on your mind and applied it so that you’ll be happy.
3. Its painful to say goodbye to someone you don’t want to let go, but more painful to ask someone to stay when you know they want to leave.
  • Let go, if you need to. But just don’t let go without even trying to win that person back….lalo na’t alam mong guilty ka at kasalanan mo bakit gusto na niya umalis sa buhay mo. Okay?
2. To truly love someone, is to always put their feelings before your own…no matter what.
  • Isang malaking check ng red ballpen. High five sa lahat ng mag-agree! haha!
1. One of the greatest pleasure in life is doing what people say you can’t do.
  • When the world is doubting on you, stand up, flip your hair and shout, ‘watch me!’ 😀

 

Thank you, 2013 for teaching me these big things. Marami pa ito. Part I muna ito.hihi.

sigh…

Advertisements