Generally, everyone wants to start this brand new year with the nothing-can-go-wrong mindset. Kasi syempre, naniniwala tayong mga Pinoy na kung ano mangyari sa atin sa unang araw ng bagong taon, buong taon natin ‘yong mararanasan. And yes, I was one of the many who believe on that of course.

January 1, 2014. Dapat, I’ll start my day via workout. Kaso,  feeling ko pag tumakbo ako or nagbadminton or nag-Zumba, matutumba lang ako dahil sa puyat sa pag-intay sa 2014. So I decided na sa hapon na lang magworkout and mag-mass na lang muna ‘ko to start my day and year right.

When I entered the kitchen, mom is awake na pala. So, I asked her to join me to hear the mass and she agreed. So I prepare and ready myself. Aba, noon bihis na ‘ko and everything, bigla na lang may bisita nga pala ang nanay ko so she cannot accompany me. Okay, fine.  Ang aga namang nagbihis-ka-hindi-ka-naman-pala-kasama sickness ang naranasan kong ‘to. At sa unang araw pa talaga ng taon. -__________– Sa halip na magmukmok, nag-isip ako ng someone na pwede kong mahila — wala pala.LOL May hang-over si boyfi tapos si bestfriend naman eh nakasimba na siguro kasi maaga lagi yon nasimba eh.

Then tinanggap ko na sa sarili kong mag-isa akong magsisimba. Tss.

When I went out, the road seems to be so peaceful. Parang 6:00am pa lang pero 7:50am na. Ang tagal ko bago nakasakay ng jeep puntang simbahan. Parang tulog pa ang driver ng mga jeep (or baka may hangover nga.LOL)

Akala ko, I’ll attend the first mass of this year nang nakatayo the whole mass but I was shocked kasi  pwede pa ‘kong humiga sa mga upuan. Parang puro olds nga lang nagsisimba. Sa pang-anim ata or pito akong row umupo kasi solo ko ‘yong buong upuan.

Before the reading of the gospel, may tumabi sa akin — lalaki, mga 18-20 yrs old sa tingin ko, mas matangkad sa akin siguro ng mga 3-4 inches, brusko ang katawan, at naka-red (naka-red din ako btw).

Mga two persons siguro layo ng upo nya from me pero literally, ako pa rin katabi niya (dulo kasi ako nakaupom sya, hindi sya dumulo kundi gumitna).

Noong nag-homily na, may tatlong bagay na binahagi si father sa ‘min.

1. Learn from your mistakes from 2013 and moved on.

2. Memory is the language of our heart

3. There are things in life that we do not and can not understand because it is not meant to be understood but only accepted.

Sa second thing na sinabi ni father, biglang umiyak ‘yong katabi ko. Wala sa itsura nya na iiyak sya sa harap ng marami. Pero, ewan ko ba. ‘Yong iyak niya, silent lang naman pero may hikbi. Kung nasa unahan ka nya, hindi mo sya mapapansin, pero kugn nasa likod, pansin yon kasi tumataas ang balikat nya habang naiyak. Actually, I really don’t know what to do. Ni hindi sya nagpupunas ng luha nya nor tumutungo. May pagtingin pa sya sa aking nalalaman. Hindi ko naman maiwasang hindi siya tingnan kasi baka mamaya he’s feeling soooo blue na pala eh di kargo de konsensiya ko pa. Pero, natatakot ako, seriously. But, there’s, of course, a part of me na I wanted to comfort him but I don’t know how (pagkamalan pa kong stalker. Tss) I check my bag to grab for my tissues (kaso, wet wipes pala dala ko) so I opted not to offer it to him. Thank God, naglabas na rin sya ng panyo ba yon or face towel para punasan naman ‘yong mga luha n’ya.

Noong akala ko, okay na, biglang pinaulit sa amin ni father yong third point na ishe-share nya, “There are things in life that we do not and can not understand because it is not meant to be understood but only accepted.” ‘Yong akala ko okay na, aba eh humagulhol na talaga ‘yong katabi ‘ko to the point na pati yong nasa unahan namin, nakatingin na sa kaniya. At dahil ako lang naman ang malapit sa kaniya, parang ‘yong mga taong napapatingin sa akin eh tila nagsasabi na, “Hoy ikaw, what did you do to make him cry that loud?!”

Maya-maya, nag-ring ang phone nya, lumabas sya. Sa isip isip ko, ‘buti naman’ kasi hindi ko na alam gagawin ko….kung lalapitan ko ba, tapikin man lang ang shoulder, ipahiram yong panyo ko kasi basa na masyado yong kaniya, etc. It was a relief for me. Ang hirap kasi talaga na gusto mo syang tulungan but you don’t know how.

So the mass go on…

After receiving the body of Christ, I kneel and when I was about to stand up, I felt someone passes by on me … and yes, he’s the red guy. But he’s now, calm. To whoever called him, I thank him/her. It helped him to be calm. Final blessing na noong sabi ng pari na batiin daw namin ng happy new year yong mga katabi namin. Urgh. Awkward. But I caught him smiling at me so I said, ‘happy new year to you’ tapos nagulat ako kasi sumagot sya ng, ‘No. it should be a HAPPIER new year for me, for you and for everyone of us. Time to bounce back higher!’ And i just smiled back.

He’s a blessing in disguise. Kanina, halos naiinis na ko kasi nasisira new year ko dahil hindi lang ako masamahan tapos sya, may mas malaking pinagdadaanan pero nakakangiti pa sya sa akin at parang kayang kaya niya lahat. Yong tipong kahit anong dumating pa, bounce back lang lagi peg nya. Nakakainspire na tao. Ewan ko ha. Pero ramdam ko yong sinabi nyang, time to bounce back higher. Parang ang daming lamang bagahe.

Kung sino ka man, promise, the next time I saw you crying, I’ll hug you para makabawi naman ako sa inspiring words at lakas ng loob na binigay mo sa akin today.

Ciao! Makapag-jogging na. Thank you, January 1. ❤

Advertisements