ASSUME(p)tion College – lugar ng mga taong mahilig mag-assume. Currently, enrolled sila sa ASSUME(p)tion college. ‘Yong iba, nag-mamasteral na kaka-assume. ‘Yong iba naman, double major na yata. At ‘yong iba, plano pa yatang magdoctorate. (Aba’y graduate graduate din pag may time. Maaawa sa sarili)

Masakit mag-assume di ba? ‘Yong tipong akala mo totoo na lahat lahat nang pinapakita niya sa’yo tapos isang araw nagising ka na lang na lahat lahat pala drawing lang sa hangin. ‘Yong nag-assume ka. Tapos pag tinanong ka na nang, ‘bakit ano ba tayo’, para kang sinampal sa kaliwa’t kanang pisngi…ng umaapoy na kamay…ng tatlo hanggang apat na beses.

Sa madaling sabi, friendzone level. <///3

Minsan, ayoko ng makarinig ng ‘umasa ako kasi nangako siya.’ Kasi kahit hindi naman sa akin nangyari ‘yon, nasasaktan ako para ro’n sa taong nakaranas no’n. Sad. Pero baka kasi hindi naman siya nangako at inassume mo (na naman) na nangako siya. Sad ulit.

Oo, aaminin ko, alumni ako ng Assume(p)tion College. Pero, vocational course lang at hindi ko na pinagpatuloy. Haha! Natauhan na eh. Sayang kasi ang t-i-m-e na investment mo. Nahihirapan ka na nga, wala ka pang napapala kundi puro pasakit lang. Why make your life miserable when you can actually enroll to another college way way okay than that? So better yet, grumaduate ka na lang. Kung pwede nga lang, mas okay kung dropout ka na lang. Huwag ng humalintulad sa iba na nagmamasteral na nga yata eh…no, doctorate na siguro. Tapos double major pa. Dito sa school na ‘to, hindi nakaka-proud maging Suma Cum Laude at top one (1) ng batch n’yo. Martir lang teh? Tama na. Nakakahiya. Wakasan na.

Sabi nga, huwag mag-assume. Don’t expect, just hope. At least, pag hope, mangyari man or hindi, okay lang — thank you kung mangyari, okay lang kung hindi. ‘Pag expectation na kasi, parang nagseset ka na ng level sa sarili mo.

Sabi nga ni Mr. Webster, Asumme  – to think that something is true or probably true without knowing that it is true. Kitams, ang linaw linaw bakit kakaunti ang nakakainitindi na walang proof kapag nag-assume. Hangga’t hindi kasi nag-a-iLOVEYOU, huwag bigyan ng malisya kahit pa action speaks louder than words.

KEEP-CALM-AND-KEEP-TRYING-MMM-02-25-131

Okay? *fistbump*

Huwag ng dumagdag pa sa dumaraming population ng ASSUME(p)tion College. Marami pang colleges.hihi.

Advertisements