Hi.

Kanina pa ko nakatitig sa blank page na to pero panay lang ang blink ng cursor. it’s been a while since my last blog entry. Ang dami kong gustong ikwento at sabihin pero hindi ko alam kung paano. Ang dami na ring nagbago sa buhay ko..

Since September 8 (or should I say weeks before that), wala akong matinong tulog. Time check: 1:21am. Bukod sa tambak na mga kasong [pinagbabasa ko, at nakakapangatog tuhod na recitations, something seems to bother me.

Funny thing was, I haven’t seen that someone for hmmmm…three (3) years na yata. But the moment na nagpaalam sya na aalis na sya, parang gusto ko siyang pigilan. Cliche di ba? Paano ko naman pipigilan ang taong  taon ko na ngang di nakikita? Ni hindi ko nga alam kung….hmmm…basta.

Namiss ko siya..at namimiss ko siya. The thought na malayo sya ngayon, mas lalo ko siyang mamimiss for sure.

nalungkot ako…pero (magiging) masaya na rin. Kasi kailangan niya raw gawin yon.. Anyway, nag-promise naman syang isusurprise nya ako pagbalik nya. At panghahawakan ko yon. Lagot sya sa’kin pag ‘di niya ginawa! >.<

Waiting moments for now while praying sa everyday safety niya…

(haha. Sorry guys kung maggulo. Saka na ko magpapaliwanag.)

Mag-aaral na nga ako at baka mapatayo na naman ako ng tatlong oras (sa recitation).

Advertisements