To the person who introduced me to hiking and organizing events, thank you Tita.

Huli tayong namundok was 2015, mahal na araw ‘yon. Di natin alam, may cancer ka na pala noon. Sabi mo, sasama ka lang at intayin mo na lang kami sa baba. Pero tinapos mo ‘yong trail. Kasi sabi mo, worth it lahat ng pagod kapag nakarating ka sa tuktok.

Bawat events natin, ikaw ang takbuhan ko. Ikaw yong nagreremind sa akin na hindi pwede yong pwede lang. Kailangan, mas mataas sa pwede lang. Tinuruan mo ako ng mga bagay na dapat kong gawin at isaayos. Ikaw nagchecheck kung okay na ‘yong ni-layout kong tarp. Ngayon, sino na?😢 At hanggang ngayon, dala dala ko pa rin yan. Huli na pala ‘yong reunion natin ngayong taon na i-organize natin.

Thank you for being another mother to us. Sobrang sakit nang pagkawala mo pero magiging matatag kami para sa’yo.

I love you, Tita Rose. Thank you for everything. One day, we’ll see you again. *akap*

We wiill miss you everyday. ❤

This is hard for me and sa aming lahat na naiwan mo.

Advertisements