Home

Ano nga ba ang pakiramdam na ma-block sa facebook (at bakit mo ba nararanasan ito)

11 Comments

how-to-block-stalkers-on-facebook-3

Isa na siguro sa pinakamasama at hindi nakakatuwang pakiramdam sa mundo ay ang ma-block sa Facebook ng (mga) taong importante sa buhay mo.

‘Yon bang dati, halos araw araw niyong alam kung ano ang ginagawa ng isa’t isa, ngayon nakikibalita ka na lang sa iba kung kamusta na nga ba siya. Dati, palagi kayo ang sangang dikit at napagkakamalang magkapatid (at halos magkapalit na raw kayo ng mukha), ngayon sukdulan kung mag-iwasan. Dati, kasiyahan man o kalungkutan walang humpay ang damayan, ngayon kaniya kaniya na. Wapakelz mode na ba ga sa isa’t isa. Yon bang dati, super close kayo …. pero ngayon, umi-is-strangers lang ang peg. … na parang wala kayong pinagsamahan. At siguro dahil sa sukdulan na’t nasagad na ang galit / inis / tampo niya sa’yo, dumating na sa point na kailangan ka na niyang i-block sa FB kasi ayaw na niyang makita pa pagmumukha mo.

Well, kung bakit dumating sa pagbablock? Malamang kasalanan mo. Kasi hindi ka naman niya iba-block (lalo na kung super close kayo) ng walang dahilan. Malamang sa malamang niyan, nasaktan mo siya (kahit sabihin mong hindi mo iyon sinasadya). Pero ang nasaktan ay nasaktan pa rin sinadya mo man ito o hindi. And that hurts had triggered the person to block you. Siguro kasi ayaw na niya na may makita pang updates sa’yo lalo na kung active user ka ng FB. Isa ‘yon sa mga paraan niya para hindi na siya mas masaktan pa.

Kung bakit ba siya nasasaktan (or mas tama yata ang term na mas masasaktan)? Eh bakit nga ba nasasaktan ang isang tao? Simple lang — kasi nag-expect siya na ganto ka or ganiyan kayo, tapos ano? Nga nga siya ngayon. Maaaring nasasaktan siya kasi siya yong andiyan para sa’yo through thick and thin pero naging mas masaya ka sa iba. ‘Yon bang qualify na silang magsabi ng lines na, “I have enough or I deserve someone better than you.” ‘Yon bang feeling niya, ipinagpalit mo siya. Ayon, ganoon. Basta. Ang hirap i-explain eh. Haha. ‘Yon an ‘yon.

Tingin ko, blinock ka niya kasi baka habang nakikita niya ang wall mo na puno ng post sa pagka-super duper happy memories mo sa iba (tapos 1,000 likes at 500 comments pa) samantalang siya ang pakiramdam eh naging ichupera siya sa buhay mo…nang paulit ulit…kasi masaya ka na sa iba. Dito papasok sa isip niya kung talaga nga bang pinahalagahan mo ba siya or what.

Hindi mo naman talaga siya slash sila masisisi eh. Kasi malay mo, ikaw lang talaga ‘yong napakahirap intindihin. At dahil doon, napagod na siya sa’yo. Ayon, na-block ka tuloy.

Ganoon nga yata talaga — darating talaga ‘yong time na kapag may pinili ka, may (mga) mawawala sa’yo.  Na (e.g) kapag nagka-boypren ka, may mga friends na tututol doon. BF vs friends. Mahirap na laban. Ito yong laban na ayaw mong may ma-agrabyado. Sabi nga ni JLC, ”
sa bawat isa kasing pinipili, may isang libong bagay kang tinatanggihan.” Sana nga lang yong pinili mo ay higit pa sa ilang libong bagay na tinanggihan mo.

Huwag ka mag-alala. Kapag okay na sila emotionally at na-realize nilang alang alang sa pinagsamahan niyo before i-a-unblock ka na rin nila. But of course, that would take time … maybe after months or years. Hindi ko masasabi. Depende siguro sa phasing ng buhay nila. Oo, hindi na magiging tulad kayo dati. Kasi nagkalamat na eh. Pero at least, isipin mo na everything would be fine …. eventually. Bit by bit. One step at a time. Malay mo, nag-aadjust pa lang sila ngayon sa’yo.

PS: Namimiss na kita. SRSLY. 😦

Para sa mga na-friendzoned…

2 Comments

Friendzoned – 1 .(adj) modern word na ginangamit kapag dinedescribed na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa’yo pero yong tingin mo sa kaniya more than that — kasi mahal mo. 2. (syn) – one sided lover

Friendzoned.

These past few days, hindi ko alam kung bakit, andami kong kwentong narining tungkol sa ibang taong masasbi kong, napabilang sa tinatawag na na-friendzoned slash one sided lover. Mahirap ‘yon. Masakit. Given the fact na you want to be more than friends with him/her, but you just can’t kasi friends lang tingin niya sa’yo? Jusko. Magulo.

Hmmm, yong mga na-friendzoned? Sila  siguro ‘yong mga lover na magpapatunay na hindi porke’t mahal mo, happy ending na kayo … na okay na lahat … na mamahalin ka rin gaya ng pagmamahal mo sa kaniya. Minsan, may mga taong meant lang talagang dumaan sa buhay mo. Well, oo, para saktan ka, paiyakin, at iparamdam sa’yo ang pait ng pag-ibig. Para lagyan ng twist ang boring mong buhay at dagdagan ng spice ang ordinaryo ang pang-araw araw mong buhay. But on the bright side, ‘yong pagdaan nilang ‘yon ay maaaring para pala ipaalala sa’yo ng mundo na hindi lahat ng gusto slash mahal mo, makukuha mo (lalo na kung hindi naman gustong ibigay sa’yo ng mundo ‘yong gusto mo).

Maraming taong na-friendzoned na for sure. Bakit? Kasi siguro nagmamahal sila ng taong hindi naman nilaan ng Diyos para sa kanila. Pero dahil sa pesteng tama ni kupido, akala nila, siya na si the one. ‘Yon pala, siya si the one ng other person (at hindi talaga para sa kanila).

Gusto ko lang i-share at sabihin na sobraaaa kong ina-admire this one (1) friend of mine na itago na lang natin sa pangalang Pedro. Siya, kahit na na-friendzone na, he still wanted to be friends doon sa nang-friendzoned sa kaniyang itago na lang natin sa pangalang Maria. Tapos, tinutulungan niya pang manligaw yong nanligaw kay Maria (na ngayon ay bf na ni Maria). Hanggang ngayon, kapag masama loob ni Maria sa bf niya, kay Pedro pa rin siya naglalabas ng sama ng loob. Grabeh no?

Pero, correction lang ha: I admire Pedro for that but I am not really saying na gayahin niyo si Pedro. Minsan, isipin rin ang sarili para hindi ka naabuso. Huwag gawing t*ng* dahil lang sa nagmamahal ka. Kasi dapat ‘yang pagmamahal na ‘yan, it motivates and inspires you to become a better person to be the best other half of your special someone and not to be MORE AND MORE stupid everyday pra lang sa kaniya. Okay?

Sabi nga ni Nick Vucijic,

Nick

Keep moving na-friendzoned na friends. Kaya niyo yan! Bilyon-bilyon ang tao sa mundo, don’t let one (1) person ruined your life. Don’t worry, someday when the pages of your life end, you’ll know that he/she will only be one of its beautiful chapters. Pero yong most beautiful chapter ng buhay mo is yet to come. Trust Him and His amazing plans for your heart — that time, hindi ka na ma-fe-friendzoned siguro… 😉

Don’t lie about how you feel. Be honest. It saves so much heartache. Soon, you’ll be fine. Don’t worry.

Walang tralse or frue

Leave a comment

Sa buhay, darating ‘yong point na kailangan mong pumili at mag-desisyon (at syempre pangatawanan ito).
Oo kung oo, hindi kung hindi. Bawal ang o ‘di (oo+hindi).
TRALSEParang pag exam, tapos true and false ang pagpipilian, pwede ka bang sumagot ng tralse o kaya nama’y frue?
O dili naman kaya’y pag matching type, pwede mo bang ulitin ang sagot na A sa number 1 tapos A ulit sa number 2? Hindi ba pag may ka-match na yong letter na ‘yon, ibang letter naman dapat ang i-match mo? Or else, isang number ang magiging mali. Sayang ang chance na kung sumagot ka ng magkaibang letter, may chance na tama yon pareho.
Tapos kapag tama o mali, pwede bang tali (TAma o maLI) o kaya nama’y mama (taMA o MAli) ang sasagot mo.
Panget ng pakinggan, non-sense pa.
Huwag mamuhay na lahat na sa’yo kasi natatakot kang may hindi pillin. Tandaan, huwag gawing option ang iba. Because nobody deserves to be an option. NO ONE. We all deserve to be the best choice .. always … by the right person … and for the right reason. ^____^
#RandomThoughts

Hanggang kailan mo nga ba kaya mag-effort?

2 Comments

Minsan sa buhay natin, hindi natin alam na nakakasakit na pala tayo —- na tipong lahat biro lang sa’yo pero do’n pala sa binibiro mo, big deal na ang lahat. … na minsan may masasaktan na pala tayo kahit hindi naman natin sinasadyang gawin, … na may mapapaiyak na pala tayo kahit hindi rin naman natin gustong magpaiyak … at na may unti-unti na palang tinetake natin for granted kahit wala ka naman talagang balak gawin iyon.

Tapos, dahil shunga ka, unaware ka na ganoon na pala kasi masyado kang kampante na mahal ka kaya hindi siya mawawala sa’yo. Tsk. Tenge leng. People change, remember? And pain does that to people (most specially if that person had enough pain which you’d caused. T__T)

Pero alam niyo what’s even worse? What if it’s already too late for you to realize na dapat pala pinhalagahan mo sya … na dapat pala minahal mo sya sa mga panahong nag-paparamdam sya sa’yo na ikaw lang at wala ng iba.Kung kailan mo narealize yong value niya, unting unti ng nawawala na siya — kasi pagod na siyang mahalin ka … and that, that person found another person worth loving than loving you. Ouch no?

Kapag ganoon nangyari? Ano na? Bibitaw ka na nga lang ba? Ganoon na lang? Or mag-eeffort kang subukang ibalik ang dati kahit alam na alam mong pagod na siya sa ugali mo … na kahit alam mong mahihirapan ka, susubok ka pa rin … na kahit alam mong it would take time, go lang … na kahit alam mong nag-effort ka na, baka hindi na maibalik ang dati.

But well, hindi porket nag-effort ka na, positive ang results. Baka nga mas masaktan ka pa kasi baka kahit best effort mo na, hindi na tatalab because it’s too d*mn late. Wala ka ng laban. Sad.

Haist…

Sa bagay, kasalanan mo kasi. Dati rati, siya ang ang-eefort sa buhay mo pero hindi mo nakikita ‘yon. Eh ngayon, ano? Nga nga na lang.

Hindi mo masisisi ang mga taong ‘yon na magbago sa’yo kasi they have enough from you and you were so blind to see their efforts before. Kaya kung mayroon mang sisihin dito, ikaw yon at wala ng iba. Huwag mong sisihin mga nangyari sa’yong masasakit kaya nahirapan kang intindihin sya dahil in the first place, pinili mong maging ganoon kahirap intindihin.

Kapag naranasan mo yang mga pinagsasabi ko sa taas, congratulations for becoming one of the living proof na nasa huli ang pagsisisi. You belong! Appear!

Pero teka, unfair  pala tayo kung i-susuko na lang natin siya eh hindi pa nga tayo nag-uumpisa samantalang siya was with you all throughout these years na pinakamahirap kang pakisamahan.

Kaya mag-effort ka. Be the best for that person at malay mo may kahinatnang maganda. Kung mag-end mang hindi naaayon sa gusto mong relation niyo, at least you try. Well kahit ano mang gawin mo, may regrets ka na for taking granted that person before. Ikaw eh. Huwag mo na lang dagdagan pa yong regrets mo na baka pag nag-try ka palang mag-effort ngayon, you would win that person back. Malay mo di ba? *fingers crossed* No one knows.

Ang tanong lang naman diyan eh,  hanggang kailan mo nga ba kaya mag-effort to fix everything? Kakayanin mo ba kahit hindi ka pa nga nag-uumpisa eh pinapakita na niya sa’yong huwag ka ng mag-effort?

Isip isip din pag may time, okay? Ito ang isang quote na pwede mong pagbasihan ng reflection mo.

effort

Ayos ba? Good luck.

Effort is something that a lot of people tend to take for granted.

Bumming days were over. time for God.

2 Comments

I am still on shock sa mga oras na ito.

Habang pinanunuod ko ang UAAP season 74 ADMU vs DLSU round 2 <exactly on the part of idol CHA CRUZ 😀 blocking Ateneo’s captain>, nag ring ang phone ko. . . sinagot ko at biglang nagbago ang buhay ko.

Halos dalawang buwan na ang nakalilipas simula ng mag-resign ako sa first job ko. It was indeed a very good exposure for a marketing grad like me. As in all around marketing kasi ang job duties! 5P’s of marketing was really put into action. Yong tipong dalawang araw ka pa lamang pumapasok eh feeling mo dalawang taon na sa sooooooooooobrang dami ng ginagawa, angdaming hinihanap sayong requirements na kahit ikaw ay hindi mo alam saan mo hahanapin at worst hindi mo alam kung ano ba yong pinagtutukoy nila. Mamaya nasa office ko bukas nasa field ka na. Ganoon.

Ok naman ako ng una. My partner in all the jobs, s Aizel, eh isa sa mga taong pinakamadaling pakisamahan. She’s a jolly person. Infact, she became more of just a co-worker to me. She is, I would say, one of the persons really became a part of me. She’s a friend that you can count on always. Of course, both professionally and socially.

Yong boss ko, si Sir King! Super cool siya infairness. He’s the youngest head at the company which, I think, is the reason bakit super close kaming tatlo at kung bakit kami ang pinakamaingay na department sa lahat.

(lr) me, aiz and sir king

(lr) me, aiz and sir king

I was saying, ok naman lahat until such time  that few people are hitting me and my partner (we are both brand marketer) below our belt. Ok na yong pagalitan ako dahil may mali akong nagawa. Go and shout on me professionally pero yong sabihan nila ako at ang partner ko na naglalaro lamang kami, that’s a way way beyond personal ethics. Tipong nagmamagaling eh hindi naman talaga magaling. In fact, kabukod tangi kaming tatlo <Aiz, me and sir King>, lahat ng ginagawa namin, nakareport sa top management. Wala na raw kaming ginagawang tama. Paulit-ulit na ganoon. Nakabibingi. Uso rin kasi ang favoritism sa company. Which pissed me off so much! Kung sa classroom nga eh pag tinanong mo ang estudyante ng expectation niya sayo laging mayroon diyang no to favoritism, di ba?

Buti nga, nakatagal ako ng ilan ring buwan at naregular kami parehong tatlo. Yong iba kasi, dalawang araw lang, kinabukasan, hindi na papasok. Bakit? Kasi nangangain ng tao ang company na yon. Oh di ba, matibay pa ako sa lagay na to.

Ako si Anapot. Hindi ako madaling sumuko. Pero, if its hitting me below, I should not let it happening over and over again. Di ba, walang mang-aapi kung walang magpapa-api. Sabi nga, a lesson learned: if you find yourself unhappy about the most details of your job, perhaps it is better to look for another job rather than try to change or complain about every little things that bothers you..

Of course, I did not leave the company na ang image eh ‘ah si Ana at Aiz’ yong laging napapagalitan but rather ‘ah si Ana at Aiz, yong best nag-put sa department nila ng highest sales since their department was established here in the Philippines’. We leave the company with smiles on our faces.

Then, tadan! I was a certified bummer and a petix girl. Though I was into business here and there, most of the time, I woke up by 11am, watch showtime at 11:30am until ‘sine mo to’ part, shift the channel to Eat Bulaga and waited for Pinoy Henyo then back on my room to watch movies, seasons of HIMYM and UAAP seasons volleyball (mostly are admu vs my alma matter, dlsu), and be on the cyber world. I’ll eat if I want to and take a short separate ways from my laptop only for bath. I’ll be in our living room by 10.:20pm and watch PBB then right after, scroll my laffy again and watch this and that until 2 in the morning. This repeatedly happened except kapag Wednesday kasi nagnonovena ako and may business trainings rin kasi ako and of course, pag may lakad/gala ako with my friends, my schedule varies din naman..

To cut the long story short, I am still on shock ngayon. Kasi, pano ba naman, magstart na ko sa new work ko dito sa Batangas. I mean, Im not prefer physically, emotionally and socially. Masiyadong mabilis talaga.

Kanina, natulog ako ng 2:00am, gumising ng 6am, nagprepare para sa graduation mass and recognition ng batch 2012 kasi marami akong friends na gagraduate. Nanuod kami at ng friend ko which I call him as my uncle (na napagkamalang bf ko. haha) at nabored. Then, ayon, umuwi ako, got my laffy and connect to the online world. Tapos, eto nga sa kalagitnaan ng panunuod ko, tumawag si Sir Marvin..

At nang dahil sa call kanina, tom (AS IN BUKAS NA), mag-start na ko ng new work ko! And what’s great about the company eh its more than a company because its a company that cares for the poor. And eto ang pangarap ko ———– to grow both professionally and spiritually. And as a Christian loving God and serving Him, amazing lang tong break na to sa buhay ko. Thank you talaga Bro. ❤

I worship you my God.

...tell me what you want me to do Lord God, tell me what you want for my life, its yours, Oh God, its yours..

Right now, and while I am writing this, I am still on shock kasi ambilis. They said that they trust me sooo much at hindi ko na kelangan magsubmit ng requirements agad-agad. All requirements would be to follow na lang.

Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin ako makapaniwala that my petix days are over and should start to build my career. I know in the future, with God’s guidance and love, I would be one of the best marketers in this country and one of His best servants as well.

PS: Naalala ko lang, tinanong ako ni Sir Marvin kung bakit ako sa Batangas nag-apply eh with almost a year experience in Manila, I may easily get a job at the bigger companies with higher compensation pa. Sabi ko sa kaniya, ‘Sir Marvz, naghahanap ako ng trabahong magiging masaya ako. And with your company offering me this marketing post as well as your company giving back to the Lord all the blessing that your company had received, I’ll be very happy to be part of your family. Yong sweldo, bonus na lang yon sa kasiyahan ko.’

The COOL lolo of my bestfriend :>

2 Comments

Today, I went to my best friend’s house at San Jose, Batangas. It was actually their town fiesta. Checking my attendance yearly, this year was a different experience I could say.

7 years of friendship (and still counting), finally, today, I met Lmy bff’s lolo.

At age 83, he still cracks jokes na benta. And I was really bluffed and red as I laugh with our conversations. Here how it goes…

In a circle, my mom, me and a former classmate of mine, Mark (Yao), were talking…

Mark: Hi Ana, kamusta ka na?

Anapot (A): Ok naman, kaw ba? nagwowork na?

Mark: ala, di pa nga eh. *silence* kaw?

A: just resigned but im into business ngayon. ayon.

An aged man join the circle. It was bff’s lolo.

Mom (ma): Hello po. Kayo po’y may ilang taon na?

Lolo (L): 83 na ko.

A: Eh may nararamdaman na po ba kayo? (referring sa sakit)

L: Oo hija. Sakit. Sakit sa bulsa. *everyone laughs*

L: tags-saan kayo?

Ma: taga lipa ho.

L: saan sa Lipa?

Ma: Mataas na Lupa ho.

L: Dont tell me, ikaw ang pinupuntahan ng aking apo dun? (pointing to me)

A: Hindi ko po alam kung ako lang. haha.

Ma: malamang, are na nga hong anak ko

L: So nagseselos ka na may iba siyang pinupuntahan sa mataas na lupa?

A:  hindi po! haha.

L: uuyyyy, defensive. dont worry hija, wala yang pera..

A: ano pong connect Lolo?

L: Duh, NO MONEY, NO HONEY dugo namin no. *everyone laughs*

—-

Ma: kayo po ba’y pensionado?

L: abay oo. retired teacher ako.

<mom and bff’s lolo talked about OLD times. hindi kami nakarelate ni Mark Yao>

L: ano bang course mo hija?

A: business admin…management.

L: saan?

A: lasalle po.

L: oh eh mgmt ka pa la eh. eh d dapat alam mo kung paano imanage ang puso mo. nag-iisa lang yan.

A: sana nga ho naaral eh para walang pusong nasasaktan.

L: *binatukan ni lolo. nagulat lahat* minsan, kelangan mo lang batukan ang isang tao para magising..

A: mulat na mulat nga ako lolo.

L: bakit, automatic bang nasa wisyo ka pag mulat ka? ung iba nga diyan mulat na mulat nga, ka-tarsier pa mata, eh hindi pa rin alam kung anong tama at mali. pwe!

—-

sumali si vhez (thats what i call my bestfriend and yes, it is really spelled this way) sa usapan.

Vhez (v): O lolo, ano na namang kakulitan yan?

L: wala apo. buti nakilala ko pa ang magiging kabiyak ng puso mo.

V & A: ha?

Ma: ok lang yan. wala namang masama. ika’y magmove on na kay *****.

L: siya nga. masyadong maikli ang buhay para ibuhos sa maling lalaki.

mark: *utas ng kakatawa kahit nagpipigil na *

nagyaya na si mame umuwe. dami kong tawa at natutunan kay lolo. :>

highlights lang po andito :>

 

Ang nasasaloobin ni Anapot sa mga oras na ito…

Leave a comment

Namiss ko ang pagsusulat. Tila ba may kung anong pwersang panulatang nagpupumilit magkontrol ng aking pasmadong kamay.

Magulo. Naguguluhan ako.

Pero, ok lang ako.

.

.

.

.

.

.

…nasasaktan pala.

sigh. Bakit ganoon?

Older Entries