Home

Hindi na kawalan (soon)

Leave a comment

I

Ikaw ang nagpasyang ako ay tuluyang iwanan

Sa kabila ng lahat ng ginawa ko upang hindi mo ‘ko bitawan

Ni hindi mo ako pinagbigyan na ikaw ay aking mapigilan

Kaya naman ako’y umiiyak ngayon at lubhang nasasaktan

II

Hindi ba’t nangako kang ako’y iyong aalagaan —

na mamahalin mo ‘ko araw-araw hanggang sa dulo ng walang hangganan?

Sadya bang kay ikli ang pakahulugan mo sa magpakailanman

kaya hindi man lang tayo umabot sa ‘sang taon nang pagmamahalan?

III

Gusto kong magalit sa’yo ngunit hindi ko mapanindigan

Pagkat nangingibabaw pa rin ang pagmamahal kaysa sa ibang nararamdaman

Kay sakit lamang talaga ng paghingi mo sa iyong kalayaan

Lalo’t ang paglisan mo’y walang namang malinaw na kadahilanan

IV

Siguro’y sapat na ang mga idinulot mong kalungkutan

Kaya nararapat lamang na ikaw ay akin nang pakawalan

Bagama’t ang puso ko’y tila ba gusto ka pang ipaglaban

Hayaan mo’t matututunan ko ring ikaw ay makalimutan

V

Ngayon, ang mabuhay ng wala ka ay dapat ko ng kasanayan

at itatak sa’king isipan na bahagi ka na lamang ng masakit kong nakaraan

Hindi magtatagal ay muli na kong makangingiti at ‘di na masasaktan

At sa panahong ‘yon, mapapatunayan kong ikaw ay hindi na kawalan

PS:

O kay hirap talaga ang lumaban

Mahirap lalo kung ang mundo ang ‘yong lalabanan.

Pero ang pinakamahirap na totoong paglaban

ay ‘yong taong dahilang kung bakit ka talaga lumalaban

ay hindi kumakampi sa’yo at tuluyan ka ng sinukuan.

Advertisements

Ang pinagkapreho ng pagboto at ng pag-ibig

Leave a comment

indelible_ink1

Ang pag-ibig ay parang pagboto.

May proseso —

Hindi pwedeng basta ka na lang kukuha ng sarili mong balota at boboto.

Hindi iyon ganoon.

Maghihintay ka ng termino mo para ikaw ay makaboto.

Kung maraming nauna na sa’yo, pipila ka.

Kung matindi-tindi ang sikat ng araw, hayaan mo lang.

Kung umulan man, magpakabasa ka.

Kung nagugutom ka, palipasin mo na lang.

Kung nangangalay ka ng tumayo, tiisin mo pa rin.

Gawin ang lahat alang alang sa ngalan ng pagboto.

Basta hindi ka dapat umalis sa pila mo’t baka mapapunta ka ulit sa likod.

Sayang naman ang ipinila mo kung magkakaganoon.

Huwag ka na ring magtangkang sumingit, nakahihiya.

Tiyagain mo ang pagpila kasi nasimulan mo na.

Manindigan ka sa pila mo.

Kung may mga sumingit man, pabayaan mo ng lamunin sila ng kanilang konsensiya.

At least ikaw, panatag kang sumusunod sa ayon at nararapat.

‘Yon naman ‘yon eh.

Kung limang oras ka ng nakapila at hindi mo pa rin termino, revicon, think positive.

Tandaan, everything worth it is always worth the wait.

At kapag dumating na ‘yong oras na ikaw na ang boboto, ibigay ang lahat.

Ipakitang buo ang loob mo sa pagboto.

Para wala kang pagsisihan.

At ang tanging hangarin mo lang ay ipaglaban ang mga kandidatong alam mong nasa tama.

Para sa bayan…

at higit sa lahat, para sa sarili.

 

“Do it Anyway”

1 Comment

Mother Teresa of Calcutta

Mother Teresa of Calcutta

This poem was written by Blessed Mother Teresa of Calcutta (1910-1997), founder of the Mission of Charities and was the recipient of 1979 Nobel Peace Prize.

I simply love this poem as it teaches me that no matter how heavy my emotional baggage was, it still a matter of perspective and faith that sooner or later, I’ll get through it.

The poem goes like this:

“People are often unreasonable, irrational, and self-centered.  Forgive them anyway.

If you are kind, people may accuse you of selfish, ulterior motives.  Be kind anyway.

If you are successful, you will win some unfaithful friends and some genuine enemies.  Succeed anyway.

If you are honest and sincere people may deceive you.  Be honest and sincere anyway.

What you spend years creating, others could destroy overnight.  Create anyway.

If you find serenity and happiness, some may be jealous.  Be happy anyway.

The good you do today, will often be forgotten.  Do good anyway.

Give the best you have, and it will never be enough.  Give your best anyway.

In the final analysis, it is between you and God.  It was never between you and them anyway.

Mother Teresa was right. Indeed, it was only between me and my God, no one else would be involve anyway. Let’s put God in our hearts and live this life as noble as we can.

“By blood, I am Albanian. By citizenship, an Indian. By faith, I am a Catholic nun. As to my calling, I belong to the world. As to my heart, I belong entirely to the Heart of Jesus.” – Mother Teresa

Damdamin ng isang sirang ngipin

2 Comments

Published in Utak Berde Taon 9, Blg. 1, kung saan ako ang Executive Editor. This is my favorite poem. I wrote it right after I had experienced the pain of my first tooth extraction. Double meaning ata to. LOL 😀
(photo by Fotolia.com)

Ngipin

  

 Nasasaktan na kita —-

ng paulit-ulit.

Paikot-ikot ka sa kama,

pabali-baligtad, at hindi mapakali.

Ilang araw na rin kitang hindi pinatutulog.

Minsan pa nga, luha mo ay nag-uunahan ng tumulo,

siguro ay dahil sa sobra na

ang idinudulot kong sakit!

Ngunit, hinahayaan mo akong manatili sa ‘yo

at patuloy mo lamang iniinda

ang mga sakit na idinudulot ko.

 

Pati pagkain mo ay naapektuhan ko na.

Maging ang kanin sa pinggan mo

ay hindi mo na magalaw nang dahil sa akin.

Maging ang chocnut na bigay ng crush mo

ay hindi mo na makain

sa takot mong ikaw ay muling masaktan

kapag ang mumo nang chocnut ay nakarating sa akin.

Pati pagsasalita mo ay kinokontrol mo,

upang maiwasan ang kirot na dulot ko.

Sapagkat tunay namang gugulong ka muli sa sakit,

kapag ako ay inatake na naman ng sensitivity.

 

Kung bakit ba kasi,

ayaw mo pa kong pakawalan,

upang ikaw ay hindi ko na nasasaktan,

at nang hindi ka na nahihirapan nang ganiyan. 😥

 

Dahil nasanay na akong nariyan ka,

Ayoko sanang iwanan ka

Ngunit, kahit masakit,

kailangan ko itong gawin

dahil mas masakit sa aking

maging dahilan kung bakit ka umiiyak

at nasasaktan.

 

Ipabunot mo na ako bukas.

‘Yong pagbubunot na high-tech,

upang hindi mo maramdamang

ako ay dahan dahan nang iwinawalay sa’yo.

At upang hindi ka na umiyak

sa huling sakit na idudulot ko sana

dahil lamang sa walang pampamanhid.

 

Bukas, ay isa nang pamamaalam —-

Paalam amo ko,

Salamat sa dalawampung taon na ikaw ay nakasama ko.

Mag-iiwan man ako ng puwang sa bibig mo ngayon,

Mawawala rin yan

sapagkat mag-iipuran ang mga kasama ko

balang araw…

Ang pag-ibig, BOW!

Leave a comment

Sa mga taong naging parte ng tulang ito, kung offensive man ang nakalagay, peace tayo. Loveyah guys! 🙂

Ang pag-ibig ay parang si Marisol…nakakarindi.

Ang pag-ibig ay parang si Inay Mayapot…sala sa init, sala sa lameeeeg.

Ang pag-ibig ay parang si Poise…nagpapagabi sa pag-uwi.

Ang pag-ibig ay parang si Leahan…nakakabangag.

Ang pag-ibig ay parang si Bru…nakakatakot :’/

Ang pag-ibig ay parang si Ica…nakakatuliro!

Ang pag-ibig ay parang si Laine…inaayos na ang buhay. (luvyah laine :D)

Ang pag-ibig ay parang si Mara…inaagawan.

Ang pag-ibig ay parang si xxx…nangaagaw.

Ang pag-ibig ay parang si Mariz….well-guarded!

Ang pag-ibig ay parang si Jinnie…nakakaintindi.

Ang pag-ibig ay parang si Elquin…hindi na mapirmi.

Ang pag-ibig ay parang si Raffy…hindi matali sa isa.

Ang pag-ibig ay parang si Poch…yumayabang.

Ang pag-ibig ay parang si Bino…ayaw na, bumabalik pa.

Ang pag-ibig ay parang si Kuya Jomz…sloooooooooooow.

Ang pag-ibig ay parang si Pingkoy…malalim.

Ang pag-ibig ay parang si Onate…its complicated!

Ang pag-ibig ay parang si Sir Gamatz…straight to the point.

Ang pag-ibig ay parang si Ms. Tet…diretso.

Ang pag-ibig ay parang si Sir xxx…nakakasusot! <right Mayapot and Leahan?LOL>

Ang pag-ibig ay parang si xxx…nakakaiyamot!!!!

Ang pag-ibig ay parang si Costales…hindi maintindihan.

Ang pag-ibig ay parang si Sir Delos reyes…hindi pinapasukan! 😉

Ang pag-ibig ay parang si Kirara..magulo.

Ang pag-ibig ay parang si Ms. Achico…puro ‘ano’.

Ang pag-ibig ay parang s Sir xxx …unidentified.

Ang pag-ibig ay parang si Judge…proceed ng proceed.

Ang pag-ibig ay parang si Sir Ronald…nakakabadtrip!

Ang pag-ibig ay parang si Ate Nori…nakakagalit (at laging galit)

Ang pag-ibig ay parang si xxx…panggulo.

Ang pag-ibig ay parang si Carlo…sweet and caring.

Ang pag-ibig ay parang si Vhez…nakakapagpangiti.

Ang pag-ibig ay parang si Miguel..nakasisira ng buhay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! 😥

Ang pag-ibig ay parang ako…dapat nagpapakatotoo.

I wrote this with a heart.

Ang unang hakbang sa paggawa ng BARKOng papel

1 Comment

Kumuha ako ng yellow pad

Isang buong dahon

Mariing pinag-isipan ang gagawin

Eroplano?

Di sasayaw sa hangin—sayang

Swan?

Di ako marunong—huwag na lang

Goro?

Di naman kasya sa’kin—ayoko nga

Nakakita ako ng hose

Hindi pala iyong ang nakita ko

Iyong likidong dumadaloy dito

Nagpatintero na ang mga neuron  ko

Ayos!

Alam ko na—

Ipinantay ko ang dahon sa gitna, crosswise ba ga

Itinupi ko nang panalubong ang dalawang gilid—mukhang bahay

Itinupi ang dalawang dulong baba nang panalubong—goro na

Pero nagpatuloy ako

Ayoko noon…

Itinupi ko pa—nagdiamond na

Sayang, di maibebenta

Tupi ulit—mukhang super lolo

Wala nga lang pulbura

Kapagkaraka’y natumbok ko

Lumabas na ko—

Inaanod na ang papel

Kaso mabilis lumubog

May sprinkler na pala

Kanina, hose pa lamang

Naiinis akong pumasok

Pero di nagpatinag

Kumuha ako nang tatlong piraso nang PDI

Pinagpatong-patong

Inulit ko ang proseso—

Tupi, tupi, tupi

At tupi pa

Lumabas na ulit ako

Naka- tatlumpong segundo nga

Ngunit, nasira pa rin

Wala nang sprinkler,

Pero kalikasan ang pumatol

Bumuhos na nang tuluyan

Tumingala na lamang ako

Mali ang tiyempo.

Kasalanan ko

Gagawa ulit ako noon—

Sa tmaang pagkakataon

Sa tamang pagkakaaton

Sa tamang pagkakatano

Sa tamang pagkakataon

Sa ngayon,

Hahayaan ko na lamang muna akong mabasa

Mabasa ng basang basa

Maya-maya,

Magsa-sun dance ako

At gagawa

Nang bangka.

Este, nang barko…

Ang sumakay sa bus ng standing ovation (ay hindi biro)

Leave a comment

Tibayan ang mga binti

One foot forward dapat

Para may balance

At kahit paano ay may kaunting poise

Iunat ang mga kamay

Idiit ang mga ito sa mgakabilang ulo ng silya

Mag-concentrate sa pagtuon

Di dapat mapa-dive

Pagkat wala namang tubig

Kahiya-hiya  lamang kapag nagkataon

Kung kagaya ka ni Bes

Na animo’y may dala laging cabinet,

Ipalagay ito sa baggage counter sa itaas

Baka mapagkamalan ka kasing nagtitinda ng unlimited na hopia, mani, at popcorn

At upang makabawas na rin sa hirap nang pagtayo

Bagama’t kabawasang kaunti lamang ito

Malaking tulong na ito

Lalo na kung biyaheng Batangas to Buendia ka

Hindi ka rin maaaring matulog

Kaya mo, pero hindi dapat

Baka makalampas ka

At kapag nagpreno kasi si Manong

Mauuna ka pa sa bus

Sa layo nang tatalsikan mo

Instant celebrity ka nang kahihiyan!

Kapag nangangalay kana

Isipin si Robin,

“think positive! Walang aayaw!”

Kailagan mong magtiis hanggang makarating sa Buendia.

At kung sasakay ka pa ng LRT, makipag-unahan ka na!

Dapat mo nang tanggaping wala ng gentleman sa mundo

Kung mayroon man, eh hindi siya sumasakay ng LRT

Kaya, kapag hindi ka nakipag-unahan sa upuan

Tatayo ka na lamang—sa ikalawang pagkakataon

Buti sana kung kaya pa ng mga binti mo

Paano kung kinakaya mo nga ang pagtayo

Ngunit ang katawan mo nang gusto kang mag-dive?

Mag-isip.

Sa mundong ito—

Minsan kailangan mo ring isipin ang sarili mo

Upang hindi ka na mahirapan

At upang makarating ka sa pupuntahan mo ng may energy at hindi pagod

Dahil more energy mas………… (the writer needs some rest)

Older Entries